Mga bossing, newbie po ako dito... hihingi lang po ng advice... i recently got my father's old liteace - 1986 yata yun. Ang history ng sasakyan is this, the original engine was 5k then nung nagkaproblema yung makina, pinalitan ni erpat ng 1c na diesel nung mga mid-1990's. Sa laki ng makina, pinukpok yung hood para di sumayad sa ulo. In short, nagawan ng paraan para maisalpak yung makina. Result: Medyo may pukpok yung hood at sumikip sa area ng makina kaya hindi na rin nalagyan ng aircon.

Nung 1999, hininto gamitin yung van para sana ipaayos yung ilalim at ipabody repair although at that time, ok naman ang performance ng engine. However, nabody repair nga yung van pero di na din nagamit dahil kinapos sa budget para sa ilalim. Nanghihinayang ako sa van kaya hiningi ko na lang sa father ko and just last month, I asked a diesel mechanic to try start the vehicle despite despite the fact na almost 7 years na syang di tumatakbo. Nung napatakbo ng mekaniko, he told me na ok pa yung engine pero kelangan daw ipaayos yung injection pump and some stuff regarding calibration. He approximate na maximum of Php 6K daw ang magagastos sa calibration. He recommended Larga dito sa Las Pinas. However, iniisip ko baka sa tagal na di nagamit ay baka dina ok yung makina at sayang lang kung gagastos ako sa Larga. Feeling ko kasi baka di lang calibration but a full overhaul ang kelangan kaso ang hirap alisin at isalpak ng makina given sa sikip. I am thinking of changing the engine but am at a loss kung gasoline or diesel pa din. Preferred ko sana yung engine na di masikip para pwede kong lagyan ng aircon. Meron ho ba kayong marerecommend na kind of gasoline or diesel engine and kung saan pwede makabili nun at estimated prices? Best din po kung may contact numbers kayo na maisasama. Also, any feedback kung ok nga sa Larga? Ipa-project ko po kasi ito para na din may magamit ako since after I sold my Nissan Sentra last February ay kadilakad at kada-commute ako.

Salamat po sa inyong suggestions/recommendations and for taking time. More power!!