10 mins? parang masyadong matagal pre... mapapadali naman ang battery life mo nyan... check your cooling system, diba nagkukulang ang coolant mo?
na experience ko kasi yan before. after ko gamitin ang oto ko naiiwang buhay ang rad fan. which would last up to 2 mins kung maikli lang tinakbo and lasts longer naman pag medyo mahaba ang byinahe ko. i checked my coolant and refilled it and found out na bawas siya. i remembered na nagpalit nga pala ko ng radiator hose. and apparently after sya palitan hindi pinacirculate ng mabuti ung tubig. basta pinuno lang ang radiator and sinara na ang cap. pag ganito maaring may maiwang hangin sa loob ng cooling system.
so what i did was to cool down the engine first then opened the rad cap refilled it to full then started the engine. i waited until the temperature reached normal and the thermostat to open. pag open nung thermostat bumaba level ng coolant sa i filled it up again. hinintay ko lang hanggang sa tuwing magbukas ang thermostat hindi signficant ang pagbaba ng coolant level. after nun ok na di na naiiwang naka on rad fan ko. hope this helps.