Di po normal ang idling ng Altis ni erpats, ang naalala ko dapat nasa 1k rpm and when aircon is on it should rise up a bit more. Pero ngayon bumababa ng below 1k to a point that the engine stalls in the middle of the road. Eto pang siste, MATIC!!! Engine won't start unless you put the tranny back in P position and step on the brake.
Kung normal stops at an intersection, ganun din. Pag bagong andar ang makina it revs upto 2k when the engine is still cold. Ano kaya ang problema nito?
ganyan din naging problem ng E36 ko dati. i narrowed down the problem to dirty EFI. i had the fuel injection cleaned together with the fuel line and the fuel tank. changed the fuel filter and had the car tuned again.
since bago pa yung corolla ng erpats mo, you may reasonably rule out ecu and solenoid problems for now.
1k po ba ang normal when the aircon is turned off...?
Yung sa sedan kasi namin (1.6 din), ~1.2k kapag bagong start tapos .8k naman kapag nakuha na niya yung tamang temperature. Kapag binuksan mo yung aircon, doon lang siya tataas ng 1k. :D
mataas yung 1k for a normal warmed up idle. 800k lang dapat.. and when AC is turned on.. idle up brings the idle back to 800 instead of dropping the idle.....
Pino kasi ang lines below 1k ng Altis kaya di ko gaano napansin. Less than 1k, malakas ang engine vibrations. Above 1k pino ang takbo ng makina. Tsaka alam ko mas mataas ng konti ng idle ng makina pag matic versus manual trannys.
uhhmmm.. ako naman un rav 1.8 sv... d naman namamatay, and manual tranny to. pero minsan pag nakaidle lang or naka stop sa stop light bumababa un rpm ko to below 500 ata or dun banda kasi mababa na tlaga then rough na un idle, tas maya maya bumabalik. on lahat ac, radio.. ilaw paggabi. d naman namamatay... nirerev ko nalang sya minsan. madalas ito pag malakas ulan.
ito din problem ko sa revo GSX 2.0L (1RZ-E) M/T namin.. tinanong ko na sa toyota makati at dapat daw eh 1K rpm pag naka-on na aircon....
kaso nasa 900rpm lang pag matagal ng umaandar yung car... pag tanghaling tapat at malakas sikat ng araw tapos stand still pa na traffic eh kelangan ko pa po tapakan gas pedal para mag 1K rpm at lumakas lamig ng aircon... although ok naman lamig aircon kahit 900rpm lang..
pero pansin ko din na pag i-off ko aircon thermostat eh mga at least 900rpm pa din sya at hindi 800rpm...
gusto pa ng toyota eh sa 5Km PMS na lang daw.. eh 3Km pa lang ako .. nate-temp nga ako galawin yung screw ng idling para itaas lang RPM.... kaso EFI ito so dapat bahala na ECU magtaas ng idling to 1K rpm.. tsk tsk..
sa revo diesel namin eh ako na nag-adjust ng screw ng aircon idling para ma-reach nya 1K rpm pag naka on aircon...
buti pa mga highlander/crosswind eh meron manual idling adjustment sa loob hehe...
Binalik na po ni erpats yung Altis sa Toyota Pasong Tamo it took them 2 days to check everything. A faulty ECU chip daw ang pinalitan.
Don't be tempted to touch that nut and bolt to adjust the rpm, lalaki lang lalo ang sira baka singilin ka pa ng mahal pag pinihit ulit nila sa dating settings.
i have a question pala...dito ko na din itatanong ha...
about engine idling, bakit yun amin d ko kelangan tapakan ang gas, pag angat ko ng clutch dahan dahan na tumatakbo ang sasakyan? specially sa reverse medyo mabilis pa nga eh... sabi baka daw masyadong mataas ang idle ko? pero as nasa 1K or 800rpm nga lang minsan yun idle ko.
pissword,
yes its normal na umandar yan kahit di ka tumapak sa gas lalo na pag nasa 1000rpm when aircon is on... mas malakas pa nga gumapang ang mga diesel engines compared sa gas ng tapak sa gas pedal (we have revo diesel and revo gas)
hmm...faulty ECU?? nag blink/umiilaw ba ung check engine habang tumatakbo?? i think may sira lang one of ur sensors.. or pwede rin thermostat. di naman kse basta-basta nasisira ang ECU chip eh..
buddyclub::: Nope the engine warning light did not even blinked. I know it was supposed to lit when there is some problem, but in this case it didn't. 6 months before faulty fuel filter naman daw ang problem.
thanx peeps..so normal nga yun kasi medyo malaki yung engine. i mean 1.8L un engine... alam ko din sa diesel gumagapang eh pero kasi mataas ang torque diba sa low range. pero gas kasi to kala ko lang kelangan ko pa paadjust. tnx
may idling question din ako pero d lang nga toyota yung auto, honda accord. d ba pag kinabig mo yung steering wheel, nagkakaroon ng load yung makina, meaning the engine will react, magrerev. kasi the power steering belts puts a load on the engine. bakit pati pag flash ng ilaw e nagrerev sya. tipong nagrereact din makina sa pagflash ko.
ganon din pag bubuksan ko yung ilaw. i guess (in theory) compensated naman ng ecu so d bumabagsak yung idle.
and sa akin around 0.8k aircon on or off. nung bagong tune-up 1k pero after 2 days balik sya 0.8k mag-isa.
na experience ko rin po yang ganyan... everytime na mag switch on ka ng electrical load na malakas mag consume ng power eh mag-drop ng konti yung rpm .. ito ay dahil yata sa alternator.. mas nagpa-pump sya ng current at pabigat sya sa engine kaya drop na rpm..
ito lang po naiisip ko..
sa revo diesel na walang ECU eh mag-drop ng konti rpm pag ni-switch lahat ng aircon fan at mga headlights..
sa revo gas na meron ECU eh ganon din.. mag-drop pa din rpm ng konti..