hi guys bago ako dto.,pero matagal n ako nagbabasa ng mga thread dito.
madami nang naitulong yung forum na to sakin.
ngayon nagdecide ako magregister.

gusto ko po sna ng advice kung magkano ang overhaul ng 4k engine .

kasi minsan nakita ng mekaniko yung makina ko ( owner type jeep 4k engine) na umuusok yung engine, and sinabi nya na blow by na daw.

ang presyo nya sakin eh 16k labor and materials for overhauling.
(papalitan daw lahat)

tinanong ko naman sa ibang mekaniko kung magkano pa overhaul sabi nya eh 3500 pesos daw labor.

magkano po ba talaga ang magpa overhaul sa 4k engine?
and ano ba ang basehan para ipaoverhaul ang makina?

sa takbo kung sa takbo ng jeep eh ok naman,malakas pa din humatak, wala naman usok ang idle nya, and mausok sya kapag nirebulusyon pero kaunting kaunti lang and sa unang start lang ng makina (sa umaga).
tahimik ang andar ng makina kapag naka idle.

pero napansin ko na pagkatapos ko maglong drive eh kapag ipapark ko na yung jeep eh hindi na tahimik ang idle nya., yung tipong parang tumataas ang minor nya after long drive., pero after mapagpahinga eh bumabalik na sa dati yung idle nya tahimik na yung tipong hindi na madinig ang andar ng makina.

napansin ko din na mabilis magbawas ang oil nya, wala namang engine leak.


last change oil is feb 10
pinalitan condenser,oil filter,spark plug,contact point
bagong over haul din ang carb nya nirepair din ang butterfly

last palit ng spark plug is march 15,kasabay ang tune up.



kapag inover haul ba eh madadamay na din ba ang timing chain ? kasi nabanggit naman nung isang mekaniko eh medyo kumakalansing nadaw o sumasayad.


tambak kasi ang bayarin ko so gusto ko po malaman ang real condition ng jeep ko, and how much would it cost me kung need na nga nang engine overhaul

mga magkano aabutin ko materyales? and ano ano ang papalitan dito?kasama nabang papalitan lahatlahat kahit hindi kailangan palitan?

thanks in advance guys !