New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 12 of 12

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    3
    #1
    hi guys bago ako dto.,pero matagal n ako nagbabasa ng mga thread dito.
    madami nang naitulong yung forum na to sakin.
    ngayon nagdecide ako magregister.

    gusto ko po sna ng advice kung magkano ang overhaul ng 4k engine .

    kasi minsan nakita ng mekaniko yung makina ko ( owner type jeep 4k engine) na umuusok yung engine, and sinabi nya na blow by na daw.

    ang presyo nya sakin eh 16k labor and materials for overhauling.
    (papalitan daw lahat)

    tinanong ko naman sa ibang mekaniko kung magkano pa overhaul sabi nya eh 3500 pesos daw labor.

    magkano po ba talaga ang magpa overhaul sa 4k engine?
    and ano ba ang basehan para ipaoverhaul ang makina?

    sa takbo kung sa takbo ng jeep eh ok naman,malakas pa din humatak, wala naman usok ang idle nya, and mausok sya kapag nirebulusyon pero kaunting kaunti lang and sa unang start lang ng makina (sa umaga).
    tahimik ang andar ng makina kapag naka idle.

    pero napansin ko na pagkatapos ko maglong drive eh kapag ipapark ko na yung jeep eh hindi na tahimik ang idle nya., yung tipong parang tumataas ang minor nya after long drive., pero after mapagpahinga eh bumabalik na sa dati yung idle nya tahimik na yung tipong hindi na madinig ang andar ng makina.

    napansin ko din na mabilis magbawas ang oil nya, wala namang engine leak.


    last change oil is feb 10
    pinalitan condenser,oil filter,spark plug,contact point
    bagong over haul din ang carb nya nirepair din ang butterfly

    last palit ng spark plug is march 15,kasabay ang tune up.



    kapag inover haul ba eh madadamay na din ba ang timing chain ? kasi nabanggit naman nung isang mekaniko eh medyo kumakalansing nadaw o sumasayad.


    tambak kasi ang bayarin ko so gusto ko po malaman ang real condition ng jeep ko, and how much would it cost me kung need na nga nang engine overhaul

    mga magkano aabutin ko materyales? and ano ano ang papalitan dito?kasama nabang papalitan lahatlahat kahit hindi kailangan palitan?

    thanks in advance guys !

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #2
    Siguraduhin mo muna kung overhaul talaga kailangan kumuha ka muna ng second opinion sa ibang mekaniko. Ganito muna gawin mo tignan mo muna iyong apat na spark plug tignan mo ang sunog nito kung may langis o wala . Kung pagbabawas ng langis ang problema makikita mo sa tambutso mo na basa ito at may langis. Post mo na lang ang obserbasyon mo rito.

  3. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    3
    #3
    Quote Originally Posted by speed unlimited View Post
    Siguraduhin mo muna kung overhaul talaga kailangan kumuha ka muna ng second opinion sa ibang mekaniko. Ganito muna gawin mo tignan mo muna iyong apat na spark plug tignan mo ang sunog nito kung may langis o wala . Kung pagbabawas ng langis ang problema makikita mo sa tambutso mo na basa ito at may langis. Post mo na lang ang obserbasyon mo rito.

    sir,since nung last na magpa change oil ako april eh naka tatlo palit na po ako ng set ng spark plug.. and sa bawat palit ko eh basa ng langis yung sparkplug.(pati yung lalagyanan ng sparkplug basa po ng langis.)

    regarding po sa tambutso eh hindi sya basa o wala sya langis.
    sa usok naman po ng engine eh pansin ko na medyo malakas ang usok pero hindi naman maitim maputi yung usok nya (pero hindi ko sure kung malakas nga ba sya or normal lang)

    yes sir thank you sa payo., pero saan ba ang best na mapuntahan para mapainspection ko yung engine? thank you ulit.

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    8
    #4
    Bro, bumili ka na ng panibagong surplus para maka siguro ka ibenta mo na lang sa Blumentritt surplus ang makina mo doon pakikinabangan iyan ng mga baklas piyesa madali mo pa magamit jeep mo. ang rehistro madali lamang sa ng change motor hindi maubos 1k mo. ang kinita mo sa pagbenta sa makina mo mag add ka nalang alam ko 20k ang 4k engine at 25k ang 5k engine

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #5
    Hindi dapat nababasa sparkplug mo ng langis kung nasa kondisyon makina mo . Kaya palit ka ng palit ng spark plug dahil napupundi ito dahil nababasa ng langis Ibig sabihin lang niyan may kasama ng langis ang sinusunog niyang gasolina kaya napuna mo malakas usok sa tambutso mo. Valve seal na may problema riyan.

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #6
    The 4k series is easy to overhaul, parts are also aplenty. I see no need for an engine swap. You may want to check if your radiator also is losing water, baka top haul okay ka na. Budget mo P5k tops.

  7. Join Date
    May 2010
    Posts
    1
    #7
    pare, kung bore lng at overhaul, may mas mura akong ma aadvise sau, pare, txt me up, 16k is too much, or email me nlng, eric_salvador888*yahoo.com.

4k engine blow by n daw?