New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #1
    sir/ka-tsikoteers/experts,
    need advice po regarding sa nasunog na wiring harness ng car ko po.anu po ang dapat ko po gawin sa car ko.

    kinalas po nila lahat ng wiring harness including computer box ko mula sa may makina hanggang dun sa may dashboad. at nakita nila na nasunog yung wire(yung pinaka mataba at maraming wire na kasama / sa may ilalaim ng dashboard) so, definitely ibinaba ang dashboard ko.

    Question 1: anu po sa palagay po niyo, naapektuhan ba ang buong makina baka nasira nung nasunog ang wire?

    Question 2: kung mano-mano ba nila tinanggal yung dashboard, maibabalik ba sa dati?(baka magkakaroon ng kalampag).

    Question 3: sabi ng casa mechanic mahal ang piyesa sa kanila, inuutusan ako na bumili sa banawe sa matagal nilang kakilala. yung buong wiring harness cost me 7,500.ok po kaya yung nabibili sa banawe?(ESi pala yung car ko).

    Question 4: nagshort circuit din daw yung computer box ko(di totally sunog)4 chips lang yun.sino ang nagrerepair po alam po niyo?sa banawe cost me 9k fresh daw yun..(ang alam ko bagong baklas) means galing sa ibang oto.

    so, lahat po 16.5k lahat magagastos ko, di pa po kasama yung labor ng casa dun sa honda cars pangasinan along baler road sa west ave,"remote office ng honda cars dagupan"(mga mechanic dun mga pinsan ng friend ko).estimate ko po mga 22k magagastos ko.kasama na mga fuses ng pumutok.

    last question po: kung maaayos lahat po ito, anu po mas maganda gawin, benta nalang o gamitin ko nalang. some say, na benta ko nalang daw kaysa mamoblema ako sa susunod na sira?

    may offer po yung kaibigan ko sa baguio, swap daw po kami pag naayos na daw lahat sa car ko, swap kami sa ESi niya na naka B16A makina niya pero oversize makina niya, pero dagdag ako ng 70K kasama car ko. OK na po kaya yun?

    need help guru's...thanks po sa advice po niyo in advance!

  2. Join Date
    May 2007
    Posts
    243
    #2
    for me kung hindi rin lang brand new ang ipapalit ko i better stick to my old car kasi at least alam ko history. as in your car bago na ang wiring, then ipapalit di mo alam kung ano ang status and you will discover only when you use it.

  3. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #3
    sir thanks po sa reply, yun din po ang iniisip ko, pagtitiyagaan ko nalang car ko at pagandahin nalang. pero kinakabahan na ako nun na ibiyahe ulit pag ganun ulit mangyari.....baka sa highway mangyari at tuluyan na masunog!

  4. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    13
    #4
    1. Hindi naman yun maapektuhan yung makina... the most I think maapektuhan is yung Computer Box... 2. Kaya naman ibalik yun sa aayos... kung gusto mo walang kamaplag sa Dash palagyan mo ng insulator(para sure lang) sa mga kabitan at screw.... 3. Sa tingin ko okay na yun... Basta check mo kung ok... Try mo mag canvas sa ibang shop para malaman mo ang murang price... Try Ichiban, Nankai, Kanzai and etc... try mo din Bnew para ma compare mo kung nakatipid ka(Masaya kasi ako pag na cocompare ko eh) hehehe... 4. Hindi mo malalaman kung fresh yung computer box parang PC yan eh... Pwedeng maganda yung labas pero luma na laman... You can never tell kung gaano pa tatagal yung computer box....(hindi ko lang din ganun k sure baka may mag bigay ng ibang suggestion) Kung ako tatanungin mo kung for daily use mo yung car wag mo na iswap... 1st Alam mo na History na nagpalit ka na ng mga parts. 2nd B16 yan except kung kaya mo yung Gas consumption 3rd kung gusto mo mag engine swap yan na din gamiting mong ESI kasi dadagdag ka rin naman ng 70K eh halos ganun din price ng Surplus Engine Eh... Sure ka kaibigan mo yun?(hehehe... Joke)

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #5
    uu boss tama si HOH parang binili mo lang sa kanya yung makina eh e di bumili ka na lang ng b16 na engine bago pa

  6. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    19
    #6
    Sir,kung ako ang tatanungin nyo.. kung balak nyo pong hindi ibenta yn car mas maganda po kuha n lang kau ng maganda na pyesa nyo para sigurado poh kau wala kayong iisipin bka maulit uli.. hindi nman poh apekto ang engine nyo wiring lang at computer box poh, pero kung blak nyo ibenta or swap siguro magtipid n lang kau sa pyesa para di poh kau lugi, pero kung magswswap kau mas maganda mag-vti n lang poh.. yun sinabi nyo na esi b16 sa baguio poh 70k dagdag.. fixed price na poh yun?or negotiable pa? nakita nyo na po ba yun esi? kc poh pag sa province alam nman poh natin mataas ang price ng saksakyan compare sa manila..

  7. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #7
    mag sir salamat po sa mga inputs po niyo, nagdadalawang isip parin po ako kung anu talaga gagawin ko. talagang malaki talaga magagastos ko kasi pati computer box ko papalitan daw. 9k yung presyo nila sa banawe...may alam pa po ba kayo na talagang nagbebenta talaga ng computer box at harness.

    mag sir may alam po ba kayo na nagswa-swap ng kotse.tulad yung car ko swap ko sa VTI vtec? yung PH16a ang engine yung stock parin, kahit dagdag ako? option lang po mga sir, kung sakali lang. kung benta ko yung car ko magkano na kaya bentahan nun all stock palang po yun...

    thanks mga guru's!

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #8
    just make sure that all problems related to the burnt wiring are fixed before going on a trip

  9. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    19
    #9
    Sir, madmi magaling mag-ayos ng computer box d2 s manila ang problema lang poh dpat mayrn kang kilala.. yun iba kc khit pwdi pang maayos sinasbi nla magplit k na pra makabenta..kailngan m lang mging mabait pra bigyn ka ng computer box hehe(joke) may alm ako kaso hindi d2 s manila magaling silang magayos ng computer box at nagbebenta rin computer box ayaw lng sabihin sau kung saan?..swap sa vti madami d2 s manila kailangan lang may kilala ka mahrap kc maghnap fresh.. esi stock price 120 to 150k d2 s manila mas mganda p rin sa province mo ibenta yan kaso kailngan m lang maghnap ng buyer moh kung myrn kng kilala s province n buy & sale.. nangyari n sa akin yan case moh nasunog din wiring koh esi din benta ko n lang hindi na bumalik s dati kc yun performance nun car at pangit n kc pag ganun mayron n cyang history na nasunog ang wiring tapos bumili n lng ng SIR..

  10. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #10
    Quote Originally Posted by EGD16 View Post
    Sir, madmi magaling mag-ayos ng computer box d2 s manila ang problema lang poh dpat mayrn kang kilala.. yun iba kc khit pwdi pang maayos sinasbi nla magplit k na pra makabenta..kailngan m lang mging mabait pra bigyn ka ng computer box hehe(joke) may alm ako kaso hindi d2 s manila magaling silang magayos ng computer box at nagbebenta rin computer box ayaw lng sabihin sau kung saan?..swap sa vti madami d2 s manila kailangan lang may kilala ka mahrap kc maghnap fresh.. esi stock price 120 to 150k d2 s manila mas mganda p rin sa province mo ibenta yan kaso kailngan m lang maghnap ng buyer moh kung myrn kng kilala s province n buy & sale.. nangyari n sa akin yan case moh nasunog din wiring koh esi din benta ko n lang hindi na bumalik s dati kc yun performance nun car at pangit n kc pag ganun mayron n cyang history na nasunog ang wiring tapos bumili n lng ng SIR..


    nabadtrip lang ako ng masyado sir kasi benenta lang sakin yun car nung last year april, wala pa isang taon sa akin, tapos nasira na ng ganyan.unang car ko po ito na bigay lang ng dad ko pinangbili...naloko ako ng husto dahil sabi wala prob...dami ko narin pina-ayos sa car na yun.parang nawalan na ako ng gana kasi lahat ng sweldo ko napunta na dun sa pagawa,sa umpisa lang pala masaya at mganda magkaroon ng car. Parang maloloko ako ulit sa computer box kasi sabi di na pwede magawa.pakita ko sana sayo sir pero di ko pa alam mag paste ng pic dito at bago lang ako sa tsikot.com,kailan ko lang ito nalaman na may forum na ganito di sana ako naloko sa pagkakaroon ng car. salamat mga sir sa mga inputs po niyo..mabuhay kayo lahat at kayong ka-tsikot.com

  11. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    187
    #11
    try mo uno serbisyo sa e rodriguez malapit sa new york st. hanapin mo si danny. magaling gumawa yun. di pa taga sumingil. nagbubuo din siya ng sunog na computer box. hth

  12. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #12
    Quote Originally Posted by viper2lt View Post
    try mo uno serbisyo sa e rodriguez malapit sa new york st. hanapin mo si danny. magaling gumawa yun. di pa taga sumingil. nagbubuo din siya ng sunog na computer box. hth

    sir anu landmark ko pagpumunta ako doon.mahaba kasi ang e. rod eh..pls help!

  13. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    222
    #13
    Kaya yan dun ka sa other side ng banaue ung mga surplus marami dun nag rerepair no Cbox at common yan sa mga ESI ung iba tumitirik nalang bigla

  14. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #14
    sir update ko po kayo?nagdecide na kami ng dad ko na wag na daw ibenta..papagandahin nalang daw namin..kasi gusto niya porma ng ESi.

    tungkol sa wiring harness, may nakita na po ako sa isang performance shop dito sa QC.mayron daw silang wiring harness pero JAPAN version daw gagawin daw LOCAL version.tanung lang po...pwede ba iconvert yun?kasi pinag-iisipan ko nga kung sa casa nalang ako kukuha.mas sigurado pa.salpak nalang gagawin nila.pero yun nga lang mahal..halos kalahati presyo sa labas.
    need advice po.

    help po sa ECU ko.may alam po ba kayo na alam magre-chip ng computer box?san location po dapat po along QC lang sana.

    PLS! help thanks!

  15. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #15
    dalhin niyo kay Speedyfix... they know what to do with your Honda... Magtiwala ka lang... Katiwatiwala naman sila dun...

  16. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #16
    Quote Originally Posted by 1997 View Post
    dalhin niyo kay Speedyfix... they know what to do with your Honda... Magtiwala ka lang... Katiwatiwala naman sila dun...

    thanks 1997! next na sira ng kotse ko ulit punta na ako kay sir migs(speedyfix).sakaling bigyan ako ng discount..

  17. Join Date
    May 2007
    Posts
    243
    #17
    Quote Originally Posted by EGcoolmhan View Post
    thanks 1997! next na sira ng kotse ko ulit punta na ako kay sir migs(speedyfix).sakaling bigyan ako ng discount..
    you mean oks na car mo? sa casa or outside ginawa?

  18. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #18
    Quote Originally Posted by eyshmechanic View Post
    you mean oks na car mo? sa casa or outside ginawa?

    sir, nasa casa pa, nagpaorder nalang ako ng wiring harnes sa casa kasi di cgurado pag sa labas ako kumuha, kasi po nagdecide na po dad ko na wag na benta. yung buong harness eh mga 12k kumpleto na yun at orig pa.tpos yung cbox ko pinarepair ko kay boss danny as per viper2lt.bukas ko makukuha..ang maganda kay sir danny, ilalagay niya sa Esi din kung gagana bago ko daw siya bayaran kung di daw gumana di daw ako magbabayad..hehehe..bait!ok lang ang presyo na.nkahiram ako sa dad ko ng budget para dun kaya ok lang...

    sir update ko kayo lahat pag ok na car ko.thanks!

  19. Join Date
    May 2007
    Posts
    243
    #19
    tama ka dyan! at least alam mo history ng car mo. you will love it!

  20. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #20
    GUYS, sorry for the late update; UPDATE: i got my car and repaired last march 22, 2008 courtesy of KANZAI, for the wiring harness, UNO Serbisyo by sir Danny, this guy who repaired my computer box. and the HONDA Cars Baler, QC. all the guys mechanic here, they restored my car.

    Scenario:

    -January 1, 2008 around 9pm nasunog yung wiring harness ko galing sa byahe from pangasinan, kinabukasan pinahatak ko sa truck ng honda cars baler to repair my car, after 2 days of waiting, inaantay ko yung findings ng nasunog na wire, tumawag sakin yung visor ng mekaniko na visit ako sa casa after work.then pumunta ako dun, inisplika sa akin kung anu gagaawin. sabi ng mga guy na mekaniko dun, di na daw magagawa yung wiring harness ko at kailangan maghanap sa labas o oorder ako sa kanila ng wiring harness. sabi ko sige kokontakin ko muna dad ko kung paano at para ipaalam sa kanya na ganun nangyari.

    -after 2 days january 5, nakausap ko na dad ko and we decided na maghanap muna sa labas ng wiring harness. naikot ko na buong banawe pero wala ako mahanap na wiring harness ang sabi mayron pero putol putol..

    -after 5 days january 11, sa paghahanap, wala talaga, then tinawagan ko dad ko from abroad para sabihin na wala ako nahanap. then we decided again na sa casa kami kukuha ng wiring harness.bumalik po ako dun para sabihin na oorder na ako sa kanila ng wiring.kontak dito kontak dun yung stockman nila wala sa mahanap lahat ng casa dito sa manila at probinsya.

    -after 2 weeks of waiting, January 26, bumalik ako kung ok na yung car ko nakita ko at nanghina ako di pa ok car ko at dun ko nalaman na wala sila stock na ganun, so tinanong ko kung paano n yung car ko, sabi ng bisor at stockman, order nalang sila sa japan, sabi ko pero paano kayo oorder dun eh RIGHT HAND Drive dun mga car dun.ang sabi nila basta daw nakuha na nila info ng car ko gagawa sila.then i replied, Sige kung ganun aantayin ko. habang inaaantay ko order ko naghahanap parin ako at may nakapagsabi sa akin na mayron sa KANZAI pumunta ako agad dun, at confirm nga mayron.balik ako sa casa para kunin ko yung computer box ko at ipagawa kay sir DANNY ng uno serbisyo, pinagawa ko sa kanya at maaayos pa daw.3 days nila gagawin.at di ito nasunod kasi kulang sa budget.pag kinuha ko after 3 days.

    -after a month, february 23, tumawag ako sa CASA wala parin, i decided na i-cancell na yung order ko at ipu-pull-out ko car ko.pi-nul-out ko kotse ko sa kanila at ilipat kay KANZAI kasi maganda pinagusapan namin ni boos mike na libre kabit kasama labor. bumalik ako kay boss DANNY para kunin ECU ko.ok na ok pagkakagawa with matching demo pa.pag di nagawa wala bayad eh gumana pala kala ko di na. march 8 ko na po nakuha computer box ko.

    -after the followings days, mga march 15 ata yun, ok na car ko pero di nila naibalik lahat ng mga functions ng car ko, di gumana yung, POWER WINDOW,POWER DOOR LOCK, POWER SIDE MIRROR, DI rin GUMANA STEREO/speaker at nasira pa alarm ko pati WIPER ko. the rest ok naman. wala check engine.

    -bumalik ako sa HONDA CARS BALER QC para ipagawa at paganahin lahat yun.ayun naibalik nila with matching detailing pa(engine wash, vaccuum,tire black at check ng ECU " PGM " ba tawag dun yung may sinaksak sa ECU)with low cost of labor kasi nahiya sila sa tagal ng pagaantay ko. at inuman after work nila with the all mekaniko guys ng casa!:drunk:

    sa wakas after 2months at 3weeks gumagana na lahat at good running ulit.pero kailangan ko ipacheck pa kay speedyfix for double check at change oil at tune up narin siguro.

    salamat po pala sa inyong lahat, eysmechanic,1997,cobalt blue,viper2lt, tip_tipid, aga_cruz at HOH. saludo ako sa inyo. lalong lalo na ang TSIKOT.com.

wiring harness(SUNOG) HELP Please!