sir/ka-tsikoteers/experts,
need advice po regarding sa nasunog na wiring harness ng car ko po.anu po ang dapat ko po gawin sa car ko.
kinalas po nila lahat ng wiring harness including computer box ko mula sa may makina hanggang dun sa may dashboad. at nakita nila na nasunog yung wire(yung pinaka mataba at maraming wire na kasama / sa may ilalaim ng dashboard) so, definitely ibinaba ang dashboard ko.
Question 1: anu po sa palagay po niyo, naapektuhan ba ang buong makina baka nasira nung nasunog ang wire?
Question 2: kung mano-mano ba nila tinanggal yung dashboard, maibabalik ba sa dati?(baka magkakaroon ng kalampag).
Question 3: sabi ng casa mechanic mahal ang piyesa sa kanila, inuutusan ako na bumili sa banawe sa matagal nilang kakilala. yung buong wiring harness cost me 7,500.ok po kaya yung nabibili sa banawe?(ESi pala yung car ko).
Question 4: nagshort circuit din daw yung computer box ko(di totally sunog)4 chips lang yun.sino ang nagrerepair po alam po niyo?sa banawe cost me 9k fresh daw yun..(ang alam ko bagong baklas) means galing sa ibang oto.
so, lahat po 16.5k lahat magagastos ko, di pa po kasama yung labor ng casa dun sa honda cars pangasinan along baler road sa west ave,"remote office ng honda cars dagupan"(mga mechanic dun mga pinsan ng friend ko).estimate ko po mga 22k magagastos ko.kasama na mga fuses ng pumutok.
last question po: kung maaayos lahat po ito, anu po mas maganda gawin, benta nalang o gamitin ko nalang. some say, na benta ko nalang daw kaysa mamoblema ako sa susunod na sira?
may offer po yung kaibigan ko sa baguio, swap daw po kami pag naayos na daw lahat sa car ko, swap kami sa ESi niya na naka B16A makina niya pero oversize makina niya, pero dagdag ako ng 70K kasama car ko. OK na po kaya yun?
need help guru's...thanks po sa advice po niyo in advance!
for me kung hindi rin lang brand new ang ipapalit ko i better stick to my old car kasi at least alam ko history. as in your car bago na ang wiring, then ipapalit di mo alam kung ano ang status and you will discover only when you use it.
sir thanks po sa reply, yun din po ang iniisip ko, pagtitiyagaan ko nalang car ko at pagandahin nalang. pero kinakabahan na ako nun na ibiyahe ulit pag ganun ulit mangyari.....baka sa highway mangyari at tuluyan na masunog!
1. Hindi naman yun maapektuhan yung makina... the most I think maapektuhan is yung Computer Box... 2. Kaya naman ibalik yun sa aayos... kung gusto mo walang kamaplag sa Dash palagyan mo ng insulator(para sure lang) sa mga kabitan at screw.... 3. Sa tingin ko okay na yun... Basta check mo kung ok... Try mo mag canvas sa ibang shop para malaman mo ang murang price... Try Ichiban, Nankai, Kanzai and etc... try mo din Bnew para ma compare mo kung nakatipid ka(Masaya kasi ako pag na cocompare ko eh) hehehe... 4. Hindi mo malalaman kung fresh yung computer box parang PC yan eh... Pwedeng maganda yung labas pero luma na laman... You can never tell kung gaano pa tatagal yung computer box....(hindi ko lang din ganun k sure baka may mag bigay ng ibang suggestion) Kung ako tatanungin mo kung for daily use mo yung car wag mo na iswap... 1st Alam mo na History na nagpalit ka na ng mga parts. 2nd B16 yan except kung kaya mo yung Gas consumption 3rd kung gusto mo mag engine swap yan na din gamiting mong ESI kasi dadagdag ka rin naman ng 70K eh halos ganun din price ng Surplus Engine Eh... Sure ka kaibigan mo yun?(hehehe... Joke)
Sir,kung ako ang tatanungin nyo.. kung balak nyo pong hindi ibenta yn car mas maganda po kuha n lang kau ng maganda na pyesa nyo para sigurado poh kau wala kayong iisipin bka maulit uli.. hindi nman poh apekto ang engine nyo wiring lang at computer box poh, pero kung blak nyo ibenta or swap siguro magtipid n lang kau sa pyesa para di poh kau lugi, pero kung magswswap kau mas maganda mag-vti n lang poh.. yun sinabi nyo na esi b16 sa baguio poh 70k dagdag.. fixed price na poh yun?or negotiable pa? nakita nyo na po ba yun esi? kc poh pag sa province alam nman poh natin mataas ang price ng saksakyan compare sa manila..
mag sir salamat po sa mga inputs po niyo, nagdadalawang isip parin po ako kung anu talaga gagawin ko. talagang malaki talaga magagastos ko kasi pati computer box ko papalitan daw. 9k yung presyo nila sa banawe...may alam pa po ba kayo na talagang nagbebenta talaga ng computer box at harness.
mag sir may alam po ba kayo na nagswa-swap ng kotse.tulad yung car ko swap ko sa VTI vtec? yung PH16a ang engine yung stock parin, kahit dagdag ako? option lang po mga sir, kung sakali lang. kung benta ko yung car ko magkano na kaya bentahan nun all stock palang po yun...