Madami ibig sabihin ang casa pull-out eh:

1. Hanap mo headlyt sa banaue, aalokin ka ngayon ng store ng surplus japan or surplus pinoy (term nuon pa) at sasabihin sayo casa pull-out actually ung parts na yan galing sa insurance binenta ng adjuster sa banaue na maging pera lang. sa insurance kasi pagnagrequest ka na casa repair ang nabangga na auto mo, pinalalaki nila ang damaged para kumita ang sub-con insurance company at repair shop kung sa labas ginawa. Minsan ang damaged headlyt at bumper nagiging buong harap sinasama pa windshield sa picture. Lahat ngayon ng ayos parts babato na sa banaue pagbili mo casa pull-out.

2. Time ng ondoy nagkalat, efi box, sensors tps, cam, crank, oxy. Karamihan kasi nagpagawa sa casa puro replaced para kumita ngayon tinago ng parts keeper or mechanic pinupuslit nila palabas. Casa pull-out paginalok sayo sa banaue.

3. Umorder ka sa banaue let say cvt transmission ng jazz at ung store ng banaue umorder sa honda phils laguna or sa casa mismo or kung san honda sila may contact. Sabihin sayo ngayon casa pullout un. Would u believe maynamumuhunan na junk shop sa laguna binibili mga ganyang parts mapahonda, toyata or kung san sila nka tieup


Sent from my iPhone using Tapatalk