Hello, bumili ako recently ng steering wheel control para sa sasakyan. OEM siya and yung aftermarket HU ko supports it straight-up as yung wiring sa stock nakahanda na. Na-setup ko na, and sa menu ng HU na naga-assign ka ng buttons, nakikita naman na nagiiba-iba yung values for every button pressed. Ang catch ko lang is masyadong mataas yung value nung dalawa (250 at 253), whereas yung ibang buttons ang values nila is 130 - 240 range lang.

Ang issue ngayon bali is hindi ko tuloy ma-assign yung dalawang buttons sa steering wheel control ko. Ang pagkakaintindi ko is based sa resistance ang pag-detect niya ng values. Di ko lang sure kung ilan exactly ang resistance per button, pero possible ba na babaan / taasan ko yung resistance sa overall signal wire ng steering remote just enough para matanggap na yung values nung buttons na di ma-assign? Ideally sa wire na lang sana ako maga-alter, and okay lang kung maiba yung values ng mga buttons na ayos na, basta ma-set ko lang lahat sana.

Wiring diagram:

Audio System:


^ Yung B/T SEND at B/T END ang di ko ma-assign bali

HU plug:



TIA!