Ganito kasi yun, yung flasher circuit naka setup na mag-blink ng tamang cadence based sa load ng mga bulbs. Usually sa kotse, merong 3 bulbs bawat side para sa signal lights; front, side, rear. Kapag pundido alin man sa mga bulbs na yan, bibilis ang cadence. Yan ang indication na nabawasan yung load na "nakikita" ng flasher circuit. Kapag pinalitan mo yung pundidong ilaw, dapat bumalik na sa normal yung cadence.
Now, kapag nagdikit yung (+) signal ng brake light at (+) ng signal light sa kaliwa, pag inapakan mo yung preno, tinutulungan ng (+) ng brake light yung (+) ng left signal light, kaya sa "paningin" nung flasher, bumaba yung load. Effect nito, bibilis yung cadence nya pag nakaapak yung preno, at normal cadence pag bitaw.
Pa-trace mo sa electrician saan nagdikit yung signal ng brake light sa left signal light mo. Promise, simple lang yung sira nyan.
