Quote Originally Posted by oj88 View Post
Ganito kasi yun, yung flasher circuit naka setup na mag-blink ng tamang cadence based sa load ng mga bulbs. Usually sa kotse, merong 3 bulbs bawat side para sa signal lights; front, side, rear. Kapag pundido alin man sa mga bulbs na yan, bibilis ang cadence. Yan ang indication na nabawasan yung load na "nakikita" ng flasher circuit. Kapag pinalitan mo yung pundidong ilaw, dapat bumalik na sa normal yung cadence.

Now, kapag nagdikit yung (+) signal ng brake light at (+) ng signal light sa kaliwa, pag inapakan mo yung preno, tinutulungan ng (+) ng brake light yung (+) ng left signal light, kaya sa "paningin" nung flasher, bumaba yung load. Effect nito, bibilis yung cadence nya pag nakaapak yung preno, at normal cadence pag bitaw.

Pa-trace mo sa electrician saan nagdikit yung signal ng brake light sa left signal light mo. Promise, simple lang yung sira nyan.
ayos.. thanks sa reply sir.. sige punta ko electrician to have this checked. but try ko muna kung kaya ng DIY. yung isang electrician nman kasi na napagtanungan ko ang sabi kulang daw sa grounding.. after nya sabihin yun, di na ko nag abala na bumalik sa kanya kasi pano nman magkukulang ng grounding, eh wala nmang nabago sa car. This all started nung napundi yung bulb ng 3rd brake light ko.. but even after ma replace yung busted bulb, di na nawala yung above mentioned problem....