Kahapon, natapat sa alulod ang sasakyan ko. Bumuhos ang napakalakas na ulan at sakto sa bubong ko ang tubig. Ala akong naramdamang problema. Kanina, pagdating ko sa office, naka ilaw ang open door warning, check ko isa-isa mga pinto. Bukas-sara, nawala yung ilaw. So set ko na alarm. Mayamaya, naka siren na, ang dahilan, umilaw na naman ang open door warning. This time di na namatay kahit anong bukas-sara ko ng pinto. Napansin ko pag naka-apak ako sa foot break, nawawala ang ilaw ng open door warning. Pina check ko sa auto electrician, ala man 10 minutes gawa na. May kinalikot sya sa ilalim ng steering, hinigpitan daw nya yung switch sa foot break. After 30 minutes na iniwan kong nakapark ang sasakyan bumalik ulit ang sakit. Binalik ko sa electrician, sabi nya baka "daw" sa alarm na. May naka experience na po ba ng ganito? Ano po ginawa nyo? Sa ngayon di ko na muna ginagamit ang alarm.