New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2011
    Posts
    17
    #1
    gud pm mga paps.

    needle ng RPM gauge humihinto sa 1500 RPM ng mga tatlong segundo bago bumaba sa 850 RPM (idle).

    nilinis ni mamang mekaniko ang idle control valve pero no epek. ngayon pinapabili ako ng bagong set

    ano pa kayang pedeng i check maliban sa idle control valve. panigurado lang kung yun talaga ang sira bago bumili ng replacement.

    CRV 2004 model nga pala yung oto 60k mileage.

  2. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,038
    #2
    Kahit ba warm/hot na yung engine ganun pa rin? Normal kse sa mga autochoke idle ang ganyan will rev to 1500 rpm then it will gradually drop to +/-750 rpm lang after it sensed ng thermostat na warmed up na ang cooling water circulation.
    Mine was previously diagnose with a fautly Throttle position sensor failure kaya minsan laging tumataas ang idle... a whole assembly ng Throttle ang pinalitan I thnk..27-28K ung parts price. Pa diagnose mo kung ano yung ECU code fault ang lumalabas.

  3. Join Date
    May 2011
    Posts
    17
    #3
    usually pag start ko ng engine sa umaga rev up sya sa 3000 rpm then bumababa sa 850 rpm pag warm/hot na.

    then lately napansin ko, rev up ko sa 3000 rpm then pagbaba ng needle humihinto lagi sa 1500 rpm (for 3 secs) bago mag steady sa 850 rpm kahit naka warmup na yung makina. in short... hindi smooth yung pagbaba ng needle.

    hindi naman tumataas yung needle steady sya sa 850 rpm pag idle pero yun nga lang nakakairita yung needle na humihinto sa 1500 rpm.

    sa idle control valve nga kaya ang tama neto? sabi ng mekaniko nasa 11-12K daw yung "rotary idle control valve set" (aray!). saang honda shop kaya pedeng makabili neto

  4. Join Date
    May 2011
    Posts
    1,218
    #4
    Punta ka casa or honda spa padiagnose mo muna para sigurado.. Pag ganyang issue mahirap magtiwala lang kay mamang mekaniko

  5. Join Date
    May 2011
    Posts
    17
    #5
    update ko lang po tong thread na to.

    okay na yung oto. Idle control valve yung pinalitan. after magpalit... smooth na smooth na ulit yung pagbaba ng rpm needle.

    Parts = 2,800
    Labor = 1,000

CRV idle control issue