usually pag start ko ng engine sa umaga rev up sya sa 3000 rpm then bumababa sa 850 rpm pag warm/hot na.

then lately napansin ko, rev up ko sa 3000 rpm then pagbaba ng needle humihinto lagi sa 1500 rpm (for 3 secs) bago mag steady sa 850 rpm kahit naka warmup na yung makina. in short... hindi smooth yung pagbaba ng needle.

hindi naman tumataas yung needle steady sya sa 850 rpm pag idle pero yun nga lang nakakairita yung needle na humihinto sa 1500 rpm.

sa idle control valve nga kaya ang tama neto? sabi ng mekaniko nasa 11-12K daw yung "rotary idle control valve set" (aray!). saang honda shop kaya pedeng makabili neto