
Originally Posted by
AcidBurn
Mga sirs,
May kinalaman ba ang contact point at condenser sa pag baba ng rpm everytime I open my headlights?
Heres the scenario...since kalilipat lang namin ng bahay at wala pang kilalang trusted mechanic sa lugar, sinubukan kong magpatune up sa isang talyer nearby at pinabili ako ng mekaniko ng contact point at condenser, nung nilagay na un binili ko ay ayaw mag-start at inabot kami ng hapon sa pag troubleshoot. Mantakin nyo, simpleng tune-up lang inabot ako ng isang araw sa talyer at kaya lang umistart ang auto ay binalik nya ang lumang pyesa at sinabi sa kin na sira daw parehas un nabili kong contact point at condenser...biruin nyo P400 ang nalagas sa kin dahil hnde ko na naman masosoli un kasi pinutol na nya at pinagdugtong...siraniko ata ang napuntahan ko.
Anyways, after that napansin ko sa twing bubuksan ang HL ay bumababa rpm ko na dati namang hinde. Battery ko po ay 10 mos old pa lang (Motolite Enduro) at months before ako magpatune-up sa siranikong un ay pinacheck ko pa sa electrical shop sa dating lugar namin ang alternator ko at maayos naman daw na kumakarga.
So, Im wondering if possible culprit po ba ang contact point at condenser since itong luma pa din ang nakakabit? Or does it have something to do with the battery at kelangan kong ipacheck kung kumakarga pa? Ive read some posts po kasi dito na wala pang 1 yr batteries nila pero bumigay na...too bad, around 3k pa naman ang bili ko dun last august.
Your immediate response would be very much appreciated. Thanks