Results 1 to 5 of 5
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2010
- Posts
- 11
November 15th, 2014 10:18 PM #1Need help with my Civic 1.8V A/T FD.
Two days ago, when I was about to go home from a 63-km trip, my car's Malfunction Indicator Lamp came on. Di naman sya nagbiblink. Pero I noticed, biglang tumaas yung RPM ng makina - around 1.8k RPM - kahit di ko inaapakan yung gas pedal, in a Neutral or Parking position on the shift stick, pero kapag inapakan ko yung gas, walang response, as in wala talaga. Kaya pinatay ko, tinignan ko yung manual, at sabi ng manual, usually, yung problem nya ay sa emission control system daw.
Kaya tinawagan ko yung mekaniko ko, sabi nya pwede ko pa naman sya paandarin, as long as di ako lalagpas sa 50kph. Kailangan ko rin kase umuwi dahil may gig pa ako ng banda ko, tapos 5pm na yun, kaya no choice ako. Kaya yun, sinubukan kong paandarin, nakatakbo naman, pero after a kilometer or so, nawalan na naman ng pwersa yung makina, kaya tinabi ko yung kotse, tapos pinatay ko. After 2-4 minutes, pinaandar ko sya, di ko na pinaandar yung aircon, ok naman ang takbo kahit umiilaw pa rin yung Malfunction Indicator Lamp.
Kinabukasan, dinala ko sya sa shop. Biglang nawala yung Malfunction Indicator Lamp, di na sya umiilaw, kaya sinabihan ako ng mekaniko, obserbahan ko na lang daw muna. Tapos around 3pm, while I was stopping sa traffic, naka apak ako sa brake, pero naka D yung stick, biglang parang nag shift ng gear yung kotse kahit nakahinto pa ako at nakaapak pa ako sa brake, medyo umalog parang umarangkada, at sabay umilaw na naman yung Malfunction Indicator Lamp.
Kaya kanina, dinala ko na sya sa shop. Pinalitan nila yung ATF, ganun pa rin. Tapos sabi nila, ibabalik ko sa Monday para palitan yung spark plugs, fuel filter tsaka air filter.
Tama po ba yung ginawa ng mekaniko? Parang di nya ata alam yung emission control system.
Tsaka wala po ako idea kung ano yung emission control system. Pa enlighten po mga masters. TIA!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2010
- Posts
- 11
November 15th, 2014 10:34 PM #2One more thing pala, parang tumitigas yung steering ng konti simula nung umilaw yung Malfunction Indicator Lamp.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2014
- Posts
- 162
November 16th, 2014 03:20 AM #3Sir try mo check na lang ang TP/ ETAC at ang throttle body baka madumi at stuck off ang msg sa PCM/ECM.
Tsikot Mobile App
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2014
- Posts
- 162
-
November 17th, 2014 02:39 PM #5
paki post ho dtc (diagnostic trouble code), yun ang cause ng malfunction (iwas muna hula hula).
I just bought a 1 lb fire extinguisher for the car. Ang cute niya tingnan. 😁
Fire Extinguisher for Car: what brand and type...