Tanong lang mga boss,

yung vios kasi namin 4 years old na, pero hindi pa napapalitan yung battery. Yung battery na gamit ngayon eh yun yung kasama sa kotse noong binili (Motolite Gold). Wala pa naman problema except noong isang beses na medyo matagal umandar kasi matagal ginamit yung radyo sa ACC. Hindi kasi madalas gamitin yung kotse na ito at madalas nasa garahe lang. Dahil marunong na ako magdrive, nakakalabas na ng garahe yung vios. Takot ko lang kasi baka mamaya hindi na lang magstart yung kotse kapag dala ko. Paano ba malaman kung mahina na yung battery? Sa tingin niyo gaano pa tatagal yung battery niya? Short trips lang pala ang takbo ko (Usually 8km lang takbo ko, balikan na yun) tapos pinakamalayo ko naman sa ngayon is 60km balikan.