Naka buena-mano kanina sa makati branch, kabubukas lang pala this week sakto ako pinaka unang customer hehe.
3sm - 5k promo price pa, 5.8k pag regular na. di na ko nag trade-in.

Nasubukan ko na din warranty/after sales nila, napansin ko kasi pag off makina nasa 11.9-12v reading sa volt meter ko(built in sa turbo timer), pag engine running 13.2-13.5 lang, e sa luma kong baterya Yuasa yung de tubig 13.8-14.2 engine running never bumaba dun. Around 3pm nasa calookan area ko sakto dun ang main office nila, Pollux Distributors 7th ave. corner 10th st. gracepark tapat ng red cross tel#s 361-6491 364-1401 364-1669. Pinacheck ko dun, ginamit digital tester nila, 12v+ engine off, 13.8-14v running, mas mababa pala ng around .2 reading nung built-in volt meter ko. Nakisuyo ako kabitan ng ibang bagong unit kung parehas reading kampante na ko, yung kinabit na bago mas mataas ng konte reading pero wala naman daw problema yung una kong nabili pasok sa normal reading. Pinakiusap ko baka pwede yung bagong kinabit na lang kunin ko mataas ng konte reading kung pwede lang naman... Tinawag sa boss nila sandali, ayun ok daw pumayag naman. Madali sila kausap. Kudos!
Nakwento sakin nung nag test sa calookan main nila, pinaka matagal daw na inabot na amaron customer nila 8yrs.