Sino na ba nakarinig na nung conversion daw ng alternator from ic regulator to relay?
paano ba malalaman kung converted na yung alternator??
gusto ko kasi malaman kung converted na siya o hindi pa. kaya lang hindi ko
alam ang difference ng converted at hindi. hindi ko rin sure kung meron nga ba talagang converted na alternator.
bro, we have a lancer before na converted yung ic regulator into mechanical regulator. nasira kasi yung ic regulator nya kaya pinalitan nalang ng mechanical na regulator. malaki yung mechanical na regulator like yung mga ginagamit ng jeepney. yung ic regulator kasi nasa loob ng alternator yun.
yung wiring ba niya galing sa alternator is 3 wire pa rin?
kasi meron ngang nakakabit ng mechanical regulator pero 3 wire pa rin yung galing sa alternator. gusto ko sana i-rewire(pangit kasi wiring eh) kaya lang hindi ko kabisado wiring pag converted na.
sorry bro, hindi ko na maalala yung connections ng regulator sa alternator. matagal na kasi yun at yung electrician yung gumawa ng convertion. let's just wait for the other gurus here at baka alam nila yung wiring nyan.