
Originally Posted by
yebo
kung sure shot yang pupuntahan mo na trabaho the best (and easiest way) is go to singapore/bankok then go to qatar from there. sabihin mo sa airport mag-job interview ka sa singapore/bankok with matching printed out email from employer na kunwari nasa singapore/bankok siya on that date at yun chance nya na interview mo. so dapat 2 plane tickets mo, manila-singapore/bankok-manila, then singapore/bankok-doha (na syempre hindi mo papakita sa imigration sa naia). yun naman visa sa qatar e papel lang yun walang stamp sa passport, if i remember right. pag nasa qatar ka na dun naman ipro-process ang tunay na visa mo e.
pag unang bakasyon mo sa pinas dun mo na lang ipasok sa poea ang papers mo. dala mo original contract at pa-translate mo na din sa embassy bago ka umuwi magbakasyon. mas madali na processing sa poea.
pero kung ayaw mo na baka mabuking ka ng imigration sa naia at matyaga ka naman pumila, sa 2nd floor ng poea ang processing ng "name hire". dapat maaga ka, 6am pa lang nasa poea ka na at pag naabutan mong number e 100 e umuwi ka na lang at kahit kelan di pa yata umabot ng 80 ang naproprocess nila sa name hire division sa isang araw. aabot yata ng mga 10k ang processing - P7000 poea processing, P2400 sa owwa at philhealth saka may P1500 yata ang PDOS, di ko sure. basta more or less 10K (3 years ago). tip: bago ka pumila dun ng 6am ng umaga e pumunta ka muna dun ng ordinary time para magtanong kung ano ang requirements nila na papel, para di ka pabalik-balik. alam mo naman ang bureaucracy natin, pahirap ng todo.