
Originally Posted by
misseksaherada
Mas productive ako kapag WFH, mas masama pa mga sakin sa sobrang focus ko minsan hindi ako nakakain sa oras at hindi din nakaka-CR break.. At kung meron pa ako ginagawa na gusto ko mapagana napapa-OTY pa ako..
Kapag pumasok ako sa office, less productive sakin kasi maya't maya meron lalapit sakin at makikipag-usap.. At nakakapag-break ako dun at nakakapag-CR lagi na malayo pa kaya kakain din ng 3-5 mins.. I think mga 3-4 hours lang yung productive hours ko kapag nasa office ako..
Last US Holiday, pinapasok ko mga colleagues ko para lang maglaro kami ng card/board game na Werewolf at Avalon:The Resistance.. Natuwa naman ako kasi sobrang saya ng team, weeks na nakalipas, nababanggit pa sa chat yung mga nakakatawang nangyari (meron sila good memories)..
Pero meron talaga na iilan kahit required hindi pumapasok sa office swerte na makapasok sila once a month.. Ito yung may mga family na, wala na talaga sila interes maki-mingle sa team.. Remotely, hindi mo din sila maramdaman.. Minsan lang din sila mag-trabaho..
Kaya sa next project ko, kung may choice lang ayaw ko na sila katrabaho.. Masyado makasarili, wala sa vocabulary nila ang team collaboration.. Magpapaturo at hihingi ng tulong kapag hindi alam ang gagawin, pero kapag kailangan ng extra hand MIA na.. Buti pa task nila natapos na kasi tinulungan, pero wala na pakialam sa iba.. Sana humanap na lang sila ng work na mag-isa lang sila magta-trabaho, tutal yun naman gusto nila.. [emoji23][emoji1308] Isa silang bot sa chat since di mo sila kilala in human form..
Unfair lang minsan, nakakadagdag sila sa stress pero sila sarap ng buhay..