Results 1 to 10 of 28
-
Registered User
- Join Date
- Sep 2011
- Posts
- 1,313
April 7th, 2013 08:30 PM #1hello !
nag plaplano po ako mag tayo ng business ng softdrinks at beer , dealer ng softdrinks at beer, ok din ba ang negosyo na to ?
syempre mag sisimula muna ako sa small time ,kaya lang paano ba ang pagkuha nito rekta ba mismo ako kukuha planta or bodega mismo ng mga softdrinks ,and mga ilang case kaya muna ako 50 or something ?
about sa kalaban isa lang ang kalaban ko sa lugar namin medyu matatag na kasi nag iisa nga lang siya,may naka usap na ko na 3 na tindahan na sakin na sila kukuha kung sakali , ang naiisip ko nalang na paraan para makilala at dumami ang mag o-order sakin eh mas mababa ako ng 5 pesos sa benta nila, halimbawa kung benta ng kalaban sa sari sari store ng isang case ng colt eh 270 , mag offer ako na 265 ang ibebenta ko sakanila . kahit hindi tubong lugaw mahalaga kumita lang ako .
sa equipment merun nako na mutor w/ kolong kolong na pang deliver sa mga tindahan at kung pang pahakot ng beer at softdrinks merun na din ako sa bodegA pwede muna pansamanta yung garahe namin..
hindi lang din po para sa pang sariling kita, gusto ko magkaruon ng hanap buhay ang iba , gusto ko rin magkaruon ng trabaho yung mga tambay samin, pwede sila taga deliver ko or taga ayos ng mga case ng bote.
ano pa pu ba ang kulang sa diskarte or strategy , i need your advise because super bata pa talaga ako para pasukin to ang negosyo na to , para malaman ko din ang pasikot sikot nito
-
April 7th, 2013 08:43 PM #2
TS ang alam ko may ruta ruta na sakop rin yan.pag marami na kayong dealer sa Area di ka na babagsakan ng distributor.
-
Registered User
- Join Date
- Sep 2011
- Posts
- 1,313
April 7th, 2013 08:54 PM #3ah yun po ba kalakaran binabagsakan pala yung dealer mismo ? ,peru hindi po nag iisa lang po yung sa barangay namin, bali po magiging dalawa kung sakaling ako, at simula pa lang naman po kahit ako po muna sana kumuha sa pinaka mismong planta or bodega , consume lang naman ako ng 300 gasolina kaya dapat medyu marami narin kaya ko na case na kuhanin ko ? , kumbaga po eh mag papa kilala pa lang ako ..
-
April 7th, 2013 09:20 PM #4
may area-area nga yan, o ruta-ruta gaya ng sabi ni chrismarte. tinitignan ng mga sales agents kung ano ang market sa area at kung ilan lang ang kaya yun lang ang may dealership. so kung kinakaya naman nung dealer dyan sa inyo yung volume e di ka babagsakan ng mga agents. at yung dati na nilang dealer na good standing naman e di nila ilalaglag para sa bago na gaya mo.
hanap ka ng ibang area na walang dealer at dun ka magtayo ng bagsakan ng softdrinks at beer.
-
April 7th, 2013 10:49 PM #5
jrn29, exclusive dealer kami ng Coke a few years back. The best way to get started is to get to know the exclusive dealer in your area. Kung walang exclusive dealer sa area ninyo, get to know the Area Manager of Coke. Kung ibang softdrink ang plano mo, dumiretso ka na sa Area Manager. The bigger the volume that you will order from the exclusive dealer or AM, the bigger discount you will get.
Ok naman ang business na ito pero volume talaga ang labanan. You have to establish good relationship with your sari sari store owners. Seasonal din ito especially for softdrinks, mababa sales kung rainy season. Ok naman ang kita, pero sumuko kami ng sister ko dahil from 7am to 11pm kami nandun sa warehouse namin..... kelangan nasa warehouse ka talaga to monitor inventories/ breakage etc.....
-
Registered User
- Join Date
- Sep 2011
- Posts
- 1,313
April 8th, 2013 12:15 AM #6ayaw ko ng coke, gusto ko pepsi ,rc, pop cola yun kasi ang mabili dito tsaka itong beer na colt 45 yun nga po ang balak , rekta na po ako mismo sa bodega ng pepsi oorder kahit hindi na po nila ako bagsakan dito,ako na mismo kukuha ng mga bibilhin ko at ako na bahala mag benta at mag pakilala sa sari sari store,
tsaka baka smalltime muna mag simula muna ako sa 30 or 50 case softdrinks tas mga 30 case ng beer tas titignan ko kung lalago talaga,
ngayun ko lang nalaman na may mga volume pala at hindi ka basta basta babagsakan kung sakali
-
April 8th, 2013 12:20 AM #7
tama volume ang kailangan dahil maliit ang kita sa isang case.
kung matiyaga kang mag-ruta at maganda ang iyong sales talk ay makaka survive ka.
sa simula dapat ang kontakin mo ay mother dealer sa inyong area para sa iyong supply.
kung pwede hwag mong sulutin ang mga binabagsakan na ng ibang sub-dealers dahil kung minsan ito ang umpisa ng away at yung presyo ay babagsak sa lugar ninyo. kayong sub-dealers din ang talo.
yung motor na may side car (open top) ang kuhanin mo, yung kayang magkarga ng 20- cases kasi mas matipid na di hamak kumpara sa truck.
during handling, kailangan na maingat ang mga tao mo para ma-minimize ang breakage. kasi pag nabasagan ka na ng isang bote sa isang case ay wala ka ng tubo dun.
si wifey ay isang mother dealer ng RC dun sa amin...
noong kalakasan ng RC ay medyo nabibitin ang supply namin dahil inaabot ng apat na araw sa planta ang isang truck. si wifey ay medyo talo sa incentive dahil puro 10-wheelers lang ang hauler nya.
mas lamang ang dealer na mas maraming truck dahil hindi malaki ang patong sa isang case galing planta, if possible puro trailer ang mga hauler mo.
yung ibang dealers nga meron mga customized na trailer truck na ang haba ay parang halos dalawang ten wheeler truck na pinagdugtong.
sa dealer's incentive lang nakakabawi ang mga dealers (andito yung allowance para sa diesel atbp na bigay ng planta).Last edited by Gumusut_Amige; April 8th, 2013 at 12:23 AM.
-
Registered User
- Join Date
- Sep 2011
- Posts
- 1,313
April 8th, 2013 12:37 AM #8yun nga po pag titiygaan namin magbaybay dito para makilala na bali hindi naman po ako manunulot , mag oofer lang ako ng mas mababa nasa sakanila ng 5 pesos or kahit 10 pesos na, dadamihan ko nalang ang pag order ng case para hindi luge mahalaga kumita lang muna sa umpisa ,depende nalang sakanila kung papatol sila sa offer ko or loyal sila sa dealer nila , yung street namin garantisado na to sa akin kukuha to ,eh sabihin natin na 5 na store na ang kukuha agad sakin .. malaking bagay na rin yun
tsaka kahit hindi nila ako bagsakan ,kahit ako na po siguro kumuha ng supply saknila, at hindi lang naman soft drinks, pati colt 45 eh malakas ang colt 45 dito sa aminLast edited by jrn29; April 8th, 2013 at 12:40 AM.
-
April 8th, 2013 12:58 AM #9
yan yung business ng neighbor namin dati. nagdeposit daw sila ng 3M ata sa coke para maging dealer. matindi talagang trabaho nilang mag asawa. akala ko hinde sila ang may ari. katulong sila sa pag salansan ng mga bote.
pero mayaman. the millionaire next door.
-
April 8th, 2013 05:31 AM #10
^^
Hard labor yan maliit kasi patong kaya lahat ng paraan para makaaawas sa costing gagawen mo ... 24/7 job yan halos ready ka dapat sa ganung commitment para kumita ka