Good Evening tsikooters,

Badtrip na badtrip ako sa Meralco. Imagine, tumira ako ng 1 month dun sa maliit na bahay ko sa Makati. Ang gamit ko lang dun ay elec.fan, 5 cubic feet na refrigerator, 22 inch na TV at 3 10 watts na fluoresecent lamp. Pati washing machine pa pala, PC at Dvd player.
Imagine inabot ng 3,700 bill ko? Eh halos 10 hours akong wala sa bahay. Dati normal bill ko ay 1,700 lang. Medyo madalas pa ako mag computer nun. Tapos pinalitang ng digital ang meter ko, ayun ngkanda loko-loko na. Yung kapitbahay ko dun nag aaircon tuwing gabi ng 3/4 HP eh bill nila 3,800. Tapos madami pa sila sa bahay. Yung electric meter nila yung luma pa rin.

Ano ba pwede ko gawin dito?