
Originally Posted by
yebo
Inheritance or estate tax, yan ang tax na babayaran ng mga anak mo pag minana nila ang property mo.
pwede ididiretso na sa name mo yung title, from name nung parents ng seller to you, ASSUMING NA HINDI ALAM NG BIR NA PATAY NA YUNG PARENTS. kung lokoloko yung bir sa lugar (may matino ba na bir examiner?) pwede ka yariin nun. Hahayaan na maconsumate yung sale tapos saka ka titirahin ng falsification of public documents, mapipilitan ka maglagay ng bigtime. Matagal nga maglipat kasi from dead parents to children/heirs. Ako may nilalakad ako lupa ngayon na pagaari ng grandparents ko, mahigit 1 year na di pa din tapos, baka 1 year or more pa bago ko makuha title sa name ng mother ko. Ganyan katagal, kahit kumpleto sa lahat ng pirma. So isusuggest nila talaga na i-short cut yung process, at para din hindi sila magbayad ng inheritance taxes. Ingat ka, dapat yung maglalakad nyan e insider sa register of deeds at may contact din sa bir. OR ELSE MAYAYARI KA JAN.