Kung puwede lang sana wala nang Sabado, kaya lang pharma distro kasi kami. Ang uubra lang na walang Sabado sa amin yung finance pero sa warehouse, logistics & customer service, kahit kalahati lang sana ang pumasok puwede na.
Ang gusto kasing mangyari ng CEO namin salit-salitan ang walang sabado. Parang ganito:
Employee A work sched:
Weeks 1 & 3 8-6:36 no Saturdays
Weeks 2 & 4 - 8-5 with Saturdays
Employee B:
Weeks 1 & 3 8-5 with Saturdays
Weeks 2 & 4 - 8-6:36 no Saturdays
Ang nakakalito rito, pag nag-leave ang empleyado sa araw na kung saan 9.6 hours ang trabaho nya, pareho pa rin bang ma-count yun as 1 leave kumpara sa kung nag-leave sya ng araw na 8 hours ang trabaho nya o kailangan nang i-adjust? Sa panig kasi ng company, maiiba ang impact kung halimbawa naka-5 leaves sya tapos itinapat nya na nasa 9.6 hours lahat in-absentan nya. Lalabas 48 hours ang cumulative na absences nya. Hindi tulad nung nag-absent lang ng 8 hours for 5 days, 40 hours ang total.
pwede naman yun, pero make it simplier.... make a day, no matter what the hours, as one day.... hindi na hours.
or you fix the working hour to a rounded number....