Depende sa model ng Garmin mo, dalawa ang setting ng routing ng Garmin may Fastest Time at Shortest Distance.
Malamang nasa shortest distance ang setting mo kaya kahit tertiary roads sinasama nya sa route.
Nangyari sa akin yan, sa squatter area ako pinadaan, muntik konang sagasaan yung Garmin ko sa inis.
Pero ng binago ko ang setting into Fastest Time, himala, hindi na nya sinama yung squatter area sa bagong route.
And dapat may dala karing road map yung book type, para ma check mo kung saan ka dapat dumaan.
And mas updated ang roadguide contributors na map compared sa OSM, especially sa mga tertiary roads.