Mukhang galing sa DC-to-DC (12v-to-9v) adaptor ang problema mo. Wala naman kamong problema kapag nakakabit sa AC-to-DC adaptor, kahit maliwanag ang environment, kaya ibig sabihin OK ang camera.

Kuha ng voltmeter at i-check mo yung output ng AC-to-DC adaptor, tapos ikumpara mo sa output ng ginagamit mong DC-to-DC adaptor. Sukatin mo yung voltages habang naka-ON yung camera. Kung pareho lang ang output, may pumapasok sigurong noise (ex: ignition noise) sa DC-to-DC adaptor mo. Try mong gumamit ng 9v battery sa camera mo, habang nakakabit sa sasakyan yung camera ... kapag OK ang picture, yung DC-to-DC adaptor mo ang problema.

HTH