^ Errm, I think its better if you post a new thread. Off-topic kasi yung post mo. Baka wala masyadong mag-reply kasi this thread is about back-up sensors.![]()
^ Errm, I think its better if you post a new thread. Off-topic kasi yung post mo. Baka wala masyadong mag-reply kasi this thread is about back-up sensors.![]()
Ok ba yung backing reverse sensor ng new CRV 2.4L.??? Anyone....
My cousin like to have this one coz its optional for the 2.0Lvariant CRV.
It cost Php8500 at the HCPI dealers. TY
Sa mga matagal nang nagpakabit ng backing sensors, buhay pa ba yung units nyo?
Yung sa akin kasi, 5 years old na at nung isang araw bigla na lang hindi gumana... no beeping sound, no LED display, nada.
I checked the connection to the module on the rear view mirror, okay naman sya. Ano pa ba ang pwede ko i-check, o panahon na ba para maghanap ng bagong sensors?
I couldn't trace what was wrong with my Sedona's old backing sensors, so I had them replaced today at Hyundai Dagupan.
Giordon ang brand na pinalit nila --it cost P2,500 for the two-sensor model. Wala syang visual display, audible beep lang kagaya nung sa 3rd gen Starex.
Mas ok ba yung sensor na dikit lang? Ayaw ko kasi ng na bubutasin pa rear bumper
San ok dito sa araneta ave and banaue magpakabit?
i have my problem on my back up sensors, pinakabit ko sya sa toyota manila bay nun kinuha ko ung oto...natutunaw sa init ung plastic housing ng mirror LED display...magpapangalawang palit na ko
It's a sign that the plastic used in the mirror LED display is sub-standard. Huwag ka na magpakabit uli.
If I were you, bili ka na lang ng stock rearview mirror na para sa car mo, tapos look for back-up sensors sa Evangelista (malapit lang din sa Manila Bay) na:
A. Kung prefer mo parin na mirror LED display type siya, you can find one na maganda ang quality for just 2500. May warranty pa kung sakaling matunaw; or
B. Pwede rin na maghanap ka nung dash-mount type or stick-on type kung ayaw mo na palitan ung rearview mirror mo. Mas mura yun, mga 1800 lang ata.
Personally, anything basta hindi yung binebenta ng dealerships eh ang oks na oks. So far andami ko ng backing sensor na binili (including yung kay JeffTan ng Araneta Car Accessories at yung sa mga tabi-tabi diyan sa Banawe), at wala pang bumibigay. Accurate pa rin for most of our cars na more than 2 years na.
^
Thanks. Sige maghanap ako jan. Ano brand ang advice mo?
Kasi ang gusto ko yung audible lang. Wala ng graph sa rearview mirror.
If audible lang habol mo, makakamura ka. Pero wala ka ng mahahanap dun sa Evangelista kasi panay rearview panel types na ang meron dun.
Eto link: http://cgi.ebay.ph/AUDIBLE-BACK-SENS...QQcmdZViewItem
Yung shop niyan is around Araneta lang din. Contact mo na lang yung store owner.
ask ko lang po kung ano ano ba kayang ma SENSE ng back up sensor??
bukod sa mga kotse na mase sense, kaya bang ma sense ang malaking gutter, poste ng meralco, halaman ng paso, aso or anything na maliit o kaya naka usli na bakal o kahoy??
medyo inosente pa po ako sa back up sensor.. ang pagkaka alam ko kotse lang kaya i sense???
ty
yup.. na se sense nang backup sensor yun.. pag uneven ang road na se sense din nya.. at pag umuulan.. dyan ako nadale nang maliit na post marker sa open parking.. umuulan kasi.. so tunog sya nang tunog.. eh wala naman ako makita... tapos ka blog.. ayun dali yung 3 feet post marker..
Guys, just joined here. I have a new isuzu dmax and I wanna know if you have any tips about getting a back-up sensor for a pick-up truck. Much obliged, salamat!
Nakakabili ba ng sensor lang? Found out by isolation that one of my sensor is not working. Pag plug mo siya sa module straight beep, beep sound pag reverse mo even without obstruction. pag inalis ko yun defective na sensor gana na ulit siya although isang sensor nalang. I have it in my patrol since I can't remember when. It's been a valuable add on to any vehicle, IMO.
anyone tried this one? your opinion please.thanks
http://www.cdrking.com/local/product...442136-3400604