Hi po. May tanong po ako sa super yellow bulbs at all weather bulbs. Parehas lang ba sila? Kasi po ay parang nababasa ko dito na ang all weather bulbs ay color yellow din, hindi ko po alam ang pagkakaiba. Also, sa all weather bulbs po ba, anong magandang brand na 60/55w na ok ang buga at matibay at saan nabibili at magkano? Sa super yellow bulbs naman po na 60/55, parang ang nakikita ko na ok ay yung brands na polarg at euroline. May nakatry na po ba nitong mga ito at ano ang matibay? Saan nyo po nabili at magkano? Parang gusto ko po kasi ng super yellow bulbs sa headlights kasi po unang una, wala pong fogs yung sasakyan namin, tsaka nahihirapan po kasi ako sa gabi lalo na kapag umuulan at lastly, para terno sa kulay ng kotse namin. Thanks po.