Ok so mejo may pagkabopols yung title ko hehehe
Anyway, ganito kasi sitwasyon. May nakita kaming crack sa winshield ng sasakyan habang bumibyahe. Ang kaso wala naman kaming maalala na tumama sa windshield so hindi namin alam kung saan lugar siya lumitaw. Passenger side siya at tulog naman si passenger kaya hindi din agad napansin.

Pwede ba sa local police station na lang kami kumuha ng police report?
Pwede ba yun para sa pag claim ng insurance?
Or palabasan ko na lang na pagsakay ko from parking eh nakita ko yung crack. Dami naman puno sa amin kasi bulubundukin siya.

Thanks!