Hello po mga tsikoters, gusto ko lang po sana itanong kung paano ba gumagana ang car insurance, pagpasensyahan nyo na lang po sana ang mga tanong ko, wala lang talaga ako alam pagdating sa mga bagay tungkol sa kotse.

Heto po ang scenario:

Bibili po ako ng 2nd hand car this month and hindi ko lang ho maintindihan kung paano ang takbo ng car insurance. May nakapagsabi po kasi sa aking na kailangan ang insurance pag nagpaparehistro and ganun din daw po sa change of ownership.

1. Ano po ba ang kaibahan ng TPL sa COMPREHENSIVE? And alin po ba ang mas advisable na gamitin kung bibili ako ng used car?

2. If yung used car na mabibili ko is may existing na insurance,dapat ko pa po ba itong irenew or magset up ba dapat ako ng new insurance para maiparehistro ko yung kotse at maipa change ownership na rin po under my name?

3. In relation po sa question number 2, may kailangan ba akong kunin na mga documents from the previous owner in relation sa car insurance niya?

4. Pag nagaapply ng car insurance, anong mga requirements po ang kailangan?

Eto na muna po sa ngayon, sana po ay matulungan niyo ako na malinawan sa mga bagay na eto. Thank you po in advance.