
Originally Posted by
mahalay
Hello All,
Pag na decline ka ba ng mga banko does it mean di ka na pwede mag apply ulit?
Ang main reason kung bakit ako na decline ay wala akong ITR (dahil computer programmer ako - online jobs) and nag rerent lang ako ng bahay.
Recently nagkatrabaho ako locally (3 months pa lang) yun nga lang medyo malayo sa bahay. Roughly 100km balikan, at the moment minomotor ko lang yan araw araw. Masyadong nakakapagod at nakakatakot kada byahe kaya need ko ng car.
Nung nag research, I've figured that Hyundai Accent is the best car for me, primarily dahil sa Fuel economy - don't care kung pangit itong car na to, practical lang ako.
Initial DP medyo hirap ako, kasi wala sa plano ko bumili ng car kaya naghahanap ako ng nasa 50-130k DP. I need to get the Hyundai Accent ASAP dahil 1) mauubos na ang CRDI na unit; 2) Safety sa byahe. I actually won't mind kung medyo mataas ang monthly amortization as long as it's reasonable.
I've done my homework, I'm confident I can pay the monthly amortization of 3-5 years.
Here comes my question:
1) Pag na decline ka ba ng mga banko does it mean di ka na pwede mag apply ulit?
2) Anong option pa kaya ang pwede ko i-try to get a car (Hyundai Accent)?
3) Naghahanap ako ng "assume balance" na Hyundai Accent, pero wala talaga - mukhang kuntentong kuntento mga owners. Ano ang risk sa ganito?
** Eto ang natatandaan kong banks na tumawag sa akin kaso never heard from them ever since: (BPI, BDO, PSBank, UnionBank, EastWest, RobinsonsBank, AMABank, di ko na matandaan iba) - so I assume na declined na ako.
Best regards