Magandang araw mga fellow tsikoteer! Ako po si JM Mendoza or username mang_Juan. Usual na nasa Hilux thread po ninyo ako makikita. Mga sir isa po akong student ng UST at kasali po ako sa contest ng HSBC na Young Entrepreneur Awards. Isa po itong contest ng business concept at ang sinali ko po na business idea ay bagong at mas murang paraan ng pagawa ng biodiesel. Nandito po ako para humingi ng tulong sa inyo para iboto ang video presentation ko para po makapasok ako sa susunod na round ng contest.

Ito po ang link ng entry ko: https://www.asiayea.com/PH/voting_details.aspx?id=17 Yung L300 po na iyan ay sa pamilya ko po lagpas 300K na at naka dalawang overhaul na siya pero tumatakbo parin ng malakas. Yung biodiesel ko po ay usually ginagamit ko po sa Hilux 2.5 D4D ko. Madalas po ay ginagamit ko po siya as fuel enhancer pero pwede po siyang replacement fuel na. Salamat po sa pagbasa ng post ko na ito at mas maraming salamat kung iboto ninyo po ang entry ko.