
Originally Posted by
Mile2
Normal lang naman na malakas ang pressure pag tinanggal ang Filler Gun sa filler port. Kahit di ka magfull-tank malakas parin ang pressure pag tinanggal ang filler gun dahil doon sa filler port mayroong check valve (one way), and then pagdating sa tank multivalve mayroon na namang check valve. Yung pressure from tank check valve hanggang filler port check valve yun ang malakas ang pressure pag tinatanggal ang filler gun. Kahit mag-leak from filler port hanggang sa tubo papuntang tank di pa rin sisingaw ang tank dahil merong check valve doon. Actually puede mong pasingawin yung natitira sa filler port hanggang tubo papuntang tank, yun lang ang sisingaw pero di na sisingaw ang nasa tank.
Also, pag mahaba yung thread ng filler cap mo sisingaw yung LPG kasi tatamaan ng thread yung release button ng check valve, pero ang sisingaw lang ay yung na nasa tubo papuntang tank, yun lang natitira sa tubo ang sisingaw pero di na sisingaw yung nasa tank dahil may check valve na doon.
Kung gusto mong magmeasure ng LPG FC, always fill up on the same station and the same pump. Sa Total North Fairview ganyan ang ginagawa ko, kaya parating more or less 10 liters ang consumption ko daily.