New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 22
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    195
    #11
    indeed,cheaper pero i was off by 10K, 715K pala yung price nya. baka makakuha ka pa ng discount nyan at pwede pang bumaba siguro. <yung officemate ko kasi nun sabi 50K daw diff according sa dad nyang SA ng suzuki>

    eto me thread pala prior dun sa car show nun sa WTC. http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=52513

  2. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #12
    hmmmm.... napapaisip talaga ako.. parang gusto ka syang masilayan. makapunta nga sa westgate alabang at makapagpahayag ng aking panliligaw.
    Wala daw bang discounts? like free chatel LTO and insurance? hehe.. (wish ko lang) or 50K na discount dun sa original price or anything?

    hehe, parang naiitsa pwera na sila aida lorna fe lanie at ysabelle, iba ang dating ni Sweet(suzuki swift)

    mga gurus... more inputs. more tips... thanks.

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #13
    Kung simple lang at di maluho bagay na bagay si Lorna - sigurado siya pinaka hindi maarte sa mga tsikas na yan pero kung pang display o sosyal ang hanap mo at kaya mo namang sundin ang luho niya kunin mo si Aida.

    Si Ysabelle kapatid ni Lorna yan na laki sa abroad sigurado may pagka maarte rin yan. pero kung makakapag antay ka pa ayos si Sweet na paparating kasi dun mismo pinanaganak sa Japan yan pero expect na me pagka maselan din siya alam ko 95octane ang pagkain niya so hindi siya pwede sa mga budget meal. dapat fine dining palagi at malalaking burger
    Last edited by XTO; September 9th, 2008 at 08:23 AM.

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    87
    #14
    ito ba'y Dear Heart or Lovingly Yours Tsikot?

    anyway share ko lang thoughts ko.

    naging GF ko din dati Ate ni Lanie (lancer pizza), so far ok naman sya nung lagi ko syang ginagamit, pero nung nagsawa nako sa kanya pinasa ko na lang sa utol ko. Itong kapatid nyang si Lanie ngayon medyo bagong sibol lang and medyo sa tingin ko sakit sa ulo to (gas guzzler), kulang pa sa experience eh...

    Yung close friend ko, na chicks nya si Aida, wala naman sya comment very satisfied till now.

    Current GF ko ngayon is the Older Cousin ni Aida ('96 vti) so far very reliable sya and sa tingin ko kahit makipag-break ako sa kanya, madami pang maghahabol.

    napag-i-isip ko din kasing magpalit naman ng GF, nakakasawa din pala pag lagi na lang sya sinasakyan mo. isa sa mga choices ko si Lorna, di bale ng madami sila sa kalsada, tulad ng unang advice, importante din family background, tutal me looks naman sya. and ang talagang iniiwasan naman natin is yung mahilig sa ladies drink (gas) di ba?

  5. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #15
    Quote Originally Posted by XTO View Post
    Kung simple lang at di maluho bagay na bagay si Lorna - sigurado siya pinaka hindi maarte sa mga tsikas na yan pero kung pang display o sosyal ang hanap mo at kaya mo namang sundin ang luho niya kunin mo si Aida.

    Si Ysabelle kapatid ni Lorna yan na laki sa abroad sigurado may pagka maarte rin yan. pero kung makakapag antay ka pa ayos si Sweet na paparating kasi dun mismo pinanaganak sa Japan yan pero expect na me pagka maselan din siya alam ko 95octane ang pagkain niya so hindi siya pwede sa mga budget meal. dapat fine dining palagi at malalaking burger

    Hehe... Choosy pala sa pagkain si Sweet.baka mamulubi ako sa kanya. Hindi ba sya vegetarian?(E10 compatible)

    Pero parang mas natitipuhan ko na si AIDA or si LANIE pati na si YSABELLE.
    Ang ayaw ko lang kay Lanie eh ung BRAIN nya(FC kasi 1.6 engine)
    tapos ung kay AIDA, sabi nila, lalabas na daw sa 2009 ung bago nyang kapatid.
    at yung kay Ysabelle, mahirap ligawan(tag price of 715K) kung may discount lang sya ng 50K baka kayanin ko sya,

    any other suggestion? salamas. i mean thanks...

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    258
    #16
    double post. sorry. *delete*

  7. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    258
    #17
    WAHAHAHAHAHA! Ang kukulit nyo! Mukang mahirap talaga maging pogi.

    Antayin mo si Sweet... 1.5 lang sya baka hindi tutuo yung fine dining requirements nya (95 Octane). Sa 1.8 and 2.0 usually nagsisimula yung fine dining sa mga bagong bebot.

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #18
    Kulet ba? hehehe

    Hirap talaga magdecide. Anu nga kaya? give me more inputs mga sir... help me decide who's deserving to my "undying love". This will gonna be my first GF(car) but definitely not my last.hehehe...

    Pero parang mas nagiging matimbang na sa akin si YSABELLE at si AIDA. Lalo na si Ysabelle, ang cute cute nya kasi eh...

  9. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #19
    Ayus lang ba sau si Aida o si Fe na syota ng bayan?

  10. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #20
    kung ako tatanongin mo, kay aida na ko. yung mga kapatid niya subok na hindi magastos na GF. hindi lang kagandahan katawan pero magaling sa performance. pati sa SPA (pms) mas matipid siya. sa gimikan naman, hindi rin malakas sa alak (gas), konte lang, malayo na mararating mo.

    sunod naman is lorna, halos pareho lang sila pero masmahirap ng konte pasagutin (price) kesa kay aida. mas magastos lang na GF yan compared kay aida. quarterly siya nagpapaSPA (PMS). pareho sila ni aida na maraming kapatid at subok na ang performance. sa gimik, ok si lorna, hindi rin malakas sa alak (gas) pero mas malakas ng konte para malayo marating.

    si ysabelle na pinsan ni lorna, ok din pero marami natuturn off sa kanya kasi para siya lesbiana (girly car).

    opinion ko lang po

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Si AIDA o si LORNA o SI FE.