New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22
  1. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #1
    Mga gurus ng tsikot. eto ulet ako, mangungulet at manghihingi ng advice sa inyong lahat...dati na ako nanghihingi ng tulong at eto ulet ako, dumudulog sa inyong harapan. (This might have similar thread but this might be different in such ways... and i want to get some response with the things i would like to consider. thanks po.)

    Here is my story and my problem,

    Dear Tsikoteers,

    Im carlo, 22 years old single...Naghahanap ng magiging GF(kotse). In my entire life. never pa ako GF(kotse). first time ko palang magkakaGF if ever (magkakakotse)
    Balak na nila akong sagutin (approved na ng bank) pero sino ba sa kanila ang dapat kong piliin,
    Eto ang mga babae(car) na aking pinagpipilian.mga babae sa aking panaginip at maaaring makasama ng panghabang panahon.

    1. Si AIDA(Honda City 1.3S M/T) - dahil matipid at di ko alintana ang bagong paparating na 2009 model

    2. Si Lorna(Toyota Vios 1.3E M/T) - dahil maganda dating nya at may apelyidong TOYOTA

    3. At Si Fe(Chevrolet Aveo Sedan 1.4 M/T) - dahil maganda talaga ang itsura nya at parang na - love at first sight ako sa kanya

    at meron pang ibang aspiring GF na may chance din na sagutin ako, and pasok sa taste at sa budget ko

    4. Si Lanie(Mitsubishi Lancer GLX 1.6 M/T) - dahil malakas daw ang hatak at maganda din ung bagong face lifted version. kaso malakas kumain.

    5. Si Ysabelle(Toyota Yaris 1.5 M/T) - Dahil Cute sya at may apelyidong TOYOTA.

    Kung mapapansin nyo. halos magkakapareho sila ng build ng katawan(sub-compacts/compact) at may kaunting sariling dahilan din ako kung bakit ko sila nagustuhan. pero still, gusto kong humingi ng payo sa mga taong naranasan na ang di ko pa nararanasan...

    Things to consider
    - Brain
    (Ang pagiging mautak sa pagkonsumo ng gasolina)

    - Beauty
    (Ang kanyang looks at ang iba pa nyang magagandang features)

    - Gastusin, yoko ng magastos na GF
    (Maintainance,PMS and everything)

    - Pag ng break kami.
    (Resale Value) Yung Tipong marami pa ding guys ang maghahabol sa kanya kahit una syang naging akin...

    Mga minamahal kong taga tsikot... sana ako'y matulungan sa aking suliranin...

    Nagmamahal
    CAR-LO

  2. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    195
    #2
    ahahaha nice!!!

    but based on your criteria (FC, looks, maintenance and resale), mas ok ka ke Aida, Lorna at kay Ysabelle. But if you can afford Ysabelle then I would say go for her.

    good luck on your hunt, pero kung kaya mo pagsabaysabayin sila, mas mahusay hehehe

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    58
    #3
    hehe...lahat sila magaganda walang itulak kabigin. mas maraming GF mas OK. :thumbup:

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    BRAIN - si AIDA
    GASTUSIN - si LORNA
    PAG BREAK NYO - SI AIDA at SI LORNA eh medyo magkalapit.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,452
    #5
    given your criteria, eto ranking ko sa mga bebot mo, bro. . .

    - Brain
    1. aida
    2. ysabelle
    3. lorna
    4. fe
    5. lanie

    - Beauty
    (Ang kanyang looks)
    1. lanie
    2. ysabelle
    (yang dalawa lang na yan, bro. . .the rest, kailangan mo takpan ng dyaryo. . .hehhe)

    pero sa features,
    1. lanie
    2. aida
    3. ysabelle

    - Gastusin
    1. lorna
    2. lanie
    3. ysabelle
    4. aida
    5. fe

    - Pag ng break kami.
    1. aida
    2. lorna
    3. ysabelle
    4. lanie
    5. fe

    pero in the end, syempre kung sino ang napupusuan mo, yun ang pipiliin mo. . .kung mahal mo ang isang babae at enjoy ka naman kapag kasama mo sya e kaya mong kalimutan kung ano mang konting pagkukulang na meron sya. . .hehhe

    good luck, bro. . .basta 'wag kalimutan lagi mag-condom (seat belt) para laging safe. . .

  6. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    1,889
    #6
    Ogling (i.e. looks or porma) is not enough. Very subjective din.

    Pedigree and family background may matter to some. Toyota rings a bell for you.

    Cost-effectiveness is another. Ayoko rin ng sosyal climber. High-maintenance is a definite turn-off.

    Know the family background. Ask around. Get testimonials. Ano ba ugali?

    Siguro pre, the best way to find out is subukan mo muna sakyan na ikaw mismo nasa loob para ma-check or evaluate mo on bed, er... on-road performance.

    In short TEST DRIVE. After which you will know who is deserving.

    ------
    But if you ask my opinion....Lorna (Toyota Vios) seems to be it. Ok lang ba sa yo knowing that almost every Juan and Pedro has one that exactly looks like her.

  7. #7
    di mo pa sinama yung swift.... magkakaroon na daw ng manual!

    and maganda sa swift, cbu-japan cya--haponesang-haponesa

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #8
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy View Post
    di mo pa sinama yung swift.... magkakaroon na daw ng manual!

    and maganda sa swift, cbu-japan cya--haponesang-haponesa
    Talaga? kamukaha ba sya ni IWA MOTO? hehehe... Manual, hmmm.... parang ayus un ah? pero baka hard to get po sya(price). at baka masyadong maarte?

    Kasi ayon sa http://www.auto-searchphilippines.co...PriceList.html medyo pa hard to get yung ate nyang automatic (Php 75[SIZE=2]5[/SIZE][SIZE=2],000.00[/SIZE])
    Eh baka kako pareho din sila ng ate nya db?


    * Chadmack and Firefighter - masarap nga sana silang pagsabay sabayin pero ayoko maging salawahan(in short. walang pera. )

    *Gerbo - so date(test drive) muna ba kami bago ako magdecide? tama! hehe... siguro nga i-date ko muna silang lahat.

    *vito corleone and 1D4LV - Mukhang pantay sila AIDA at si LANIE ah? pero turn off ako ng konti kay lanie. medyo BOBO eh.(1.6 kasi lakas sa gas) kaso si AIDA naman talo sa looks... pero kaya naman yata ng magic ni Dra. Vicky Belo db? hahaha...

    - Sa ngayon. parang lumalamang na nga si AIDA sa lahat at halos pumapantay si Lorna. pero bakit walang pumapansin kay FE? di ba sya karapat dapat na maging first GF ko? SALAMAT SA LAHAT AH. eheheh

  9. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    195
    #9
    Carlo, cheaper by 50K yung manual nung SWIFT(1.5)! makes sense naman suggestion ni always_yummy since naconsider mo nga ang yaris(1.5), lancer(1.6)

    walang pumapansin gaano ke Fe dahil sa isa sa criteria mo na "breakup", though love at first sight kamo pero nde kaya infatuation lang yan or sa madaling salita, pang one night stand lang hehehe? :D

  10. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    280
    #10
    Quote Originally Posted by Chadmack View Post
    Carlo, cheaper by 50K yung manual nung SWIFT(1.5)! makes sense naman suggestion ni always_yummy since naconsider mo nga ang yaris(1.5), lancer(1.6)

    walang pumapansin gaano ke Fe dahil sa isa sa criteria mo na "breakup", though love at first sight kamo pero nde kaya infatuation lang yan or sa madaling salita, pang one night stand lang hehehe? :D
    Talaga????? 50k Less ang Manual? hmmm.. that makes me think. Mukhang kayang pasagutin ah, konting tyaga lang sa panliligaw(ipon ng pangdown) at baka makamit ko ang matamis nyang OO...


    So ibig sabihin madaling malaspag/malosyang si FE(resale value sucks ba?)? hehehe...

Page 1 of 3 123 LastLast
Si AIDA o si LORNA o SI FE.