
Originally Posted by
softop
daming promo ngayon nang mga car dealers bro. kung kaya mo naman ang buwanang bayad (monthly amortization), ipang-down mo na lang para sa isang bagong kotse ang ipang bibili mo ng segunda mano na kotse. nabangit mo kase na panghabang-buhay mo ito gagamitin.
maliban sa presyo, sigurado ako na mas madami kang maiisip o mai-lilista na mas magagandang rason kung bago ang bibilhin mo kumpara sa isang gamit na na kotse lalo na kung ito ay mahigit 4 o 5 taon na.
saka ingat din lang po, baka galing na sa baha ang mabili mo. yung bayaw ko, lumubog ang kotse nya hangang sa me hood (hindi sya taga marikina, manila o pasig kaya hindi ito sapat na batayan sa pagpili ng kotse. taga magallanes po sa makati sila nakatira) maniwala ka bro, pagkatapos nya itong maipagawa, hindi mo malalaman na ito pala ay lumubog na sa tubig. ang husay gumawa ng maga pinoy!