I think what you want is a car you can call your own and to be used by relatives and not for economic reasons.
Here's the mathematics to that.
You will bring home a GLS. Cash out: Php638K
Some estimates (to be corrected).
Take Viper's depreciation rate and you will loss 65K in a year
Insurance cost: 20K?
PMS: 15K?
Registration: 3K?
Tire: 2K?
At the end of the first year, you have lost around Php105K. Plus, since you will not use the car for nine months, the money you put in there basically sleeps. Worst is, your car's value will go down again with the same rate as the first year and the PMS cost will go higher.
If you are smart enough, you should have invested the Php500K and you may double it in 9 months time.
Anyway, just an idea. The Mirage is nice. Wifey should have brought home a GLS last year but I offered her a 6 year old Grand Vitara. She grabbed the older car and she's very happy with it. The only maintenance on the old car so far is a change oil and wheel alignment.
Good luck.
Hi boss, pareho din tayo ng naging dilemma.
Ganyan din ako dati, pinagiisipan kung alto o mirage. Pinili ko yung mirage kasi kasama sa consideration yung sasakay sa likod,
grabe kasi ang sikip ng upuan sa likod ng alto, as in kawawa magiging pasahero mo, sa unahan naman walang problema sa alto tapos reliable din naman at
talagang napakatipid sa gas, yun nga lang mararamdaman mo talaga na compromise car talaga si alto. Kung kotse para makapunta from point A to point B
lang ang goal mo, dun ka na sa alto, overall maganda din naman feedback sa alto.
So bakit mirage ako ngayon? kasi nga mas spacious at matipid din naman sa gas at sporty ang look nya kesa alto, at gaya nga ng sinasabi ng karamihan dito
super safe talaga ang mirage. Tapos gawa ng Japanese engineers ang mirage tapos yung alto gawang bumbay sa India, actually sa papel lang suzuki ang alto, ang tawag talaga jan ay maruti alto(maruti - indian car company sa india na nakipag tie up sa suzuki) so basically you are considering buying a Japanese car vs Indian car(haha racist ako eh sorry) at syempre kung ako ang pipili dun na ako sa gawang Japan, mas tiwala ako sa Japan kesa India(sorry racist talaga).
Swerte pala ng relatives mo, in 3 mos time may bagong mirage.
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 2
Kung may budget sa mirage or vios - toss coin na lang..
Kung nagtitipid - get alto
Sa situation ni TS, di ako convinced na kailangan ng personal car. Lalo na kung nag-aabroad naman. Kahit gaano mo pinagkakatiwalaan yung iiwanan mo ng kotse, one way or another may magiging issue jan..
Minsan its just a matter of sharing with the family.. Ang mga brother ko pag umuuwe ng abroad, pinapahiram na lang namin ng sasakyan.. Hinde naman matagalan at hinde naman din araw araw umaalis..
Sent from my iPhone using Tapatalk
Mag rent a car ka nalang kung kelan mo lang kelangan not the whole 3 mos...
Mahirap ipag katiwala auto kahit kamag anak o kahit kapatid pa. Iba parin ang malasakit ng mismo may ari ng auto lalo nat mga choices mo madaling malaspag. Baka pag mulan lang ng hidwaan o tampuhan yan, ika nga ng isang forumer baka ika inggit ng iba kamag anak mo baka mangyari maging common car. Mas maganda pa nga 2nd hand Expedition bilin mo tyak bihira magagamit yan ng mapapag iwanan mo lakas sa gas e. Mahirap laspagin mga ganong kalaking auto heavy duty pag mga subcompact dapat yan owner driven dali bumigay maliliit pyesa light duty.
Just an insight of a reality.
Guys, maraming salamaat sa mga inputs nyo, i really appreciate sa mga advices. No worries im still weighing my options. I still have more time to make my final decision. Mas maganda maraming option na pwede ko e consider.
You need space for your baby stroller suggest ko Avanza sa Vios Baka Hindi kasya.
Kung Alto rin lang mag second hand car ka na lang, mas mukhang updated yung looks ng older second hand cars kaysa sa Alto.
Sent from my mind using Telepathy 2
Alto standard owner here.. if budget permits, all new vios gets my vote, then mirage and ciempre alto.. If simpleng pang ikot ikot lang sa probinsya, alto would be sufficient. Pero kung mostly highway travel, vios and mirage would be safer dahil sa safety features, more comfortable and space.. sa fuel consumption hindi lang masyado nagkakalayo..
Ayun nadagdagan na pala yung choices ni ts. For me, avanza would be a more practical choice. You can carry more luggage or things, very helpful and convenient espcially when you bring baby/kids stuff. In my experience, a car's trunk is not enough when you bring the stroller, toys, your own bags plus the yaya's in a long trip.
The vios is definitely a good choice also. You can't go wrong when you choose this car. I'd choose this over the mirage, actually. But again, considering that you are in the province and go for trips during your vacation, the avanzavfor me, would be more practical choice.
Salamat naman Sir bilang isang alto owner at sa experience mo meron din ako mapagbasihan na idea. Dagdag na rin to para sa akin. Sa katipiran talaga namang pasok talaga ang alto, yun nga lang binawi rin sa kaliitan na alanganin din sa akin. Pero maraming salamat sa uulitin.
Yes Sir kailangan palawakin din ang option. Mas okay talaga kung maraming makapagpayo dahil din sa mga kaibigan natin sa forum na enlighten ako sa na eshare nyong lahat.. So ito na ngayon c Avanza at Vios..
Advantage talaga ni Avanza ang space nya at comfort.
Sa Vios naman yung FE ang nakakalamang at ibang feature nya na wala sa Avanza. Sa 1.3j variant.
As of now + c Avanza, ika nga sabi nyo po praticality dahil sa space nya.
Ang concern ko lang hindi ba masyado magastos sa FC ang Avanza 1.3? Meron kasi nagsasabi na mga Avanza owners na walang improvement ang FC nila at parang bumaba pa. Kung hindi naman kababaan kumpara sa Vios good pick na nga ito ang Avanza.
1.3J variant lang sa akin sa Avanza, 1 reason is that kung totoo man talaga na underpowered sya, sa 1.3 baka mahirapan na sa 7 pax na may kasama pang mga luggage, lalo na ang place namin ay may uphill na after highway mga 30 minutes lang naman. At isa pa, ang budget stretch na Hanggang sa price range na ganito.
Salamat din po sa input nyo.
To give you an idea, vios 1.3g MT worst fc ko is 10.5kpl and best fc ko so far is 15.5kpl. Ung 10.5kpl tricycle mode ang takbo ko at sagupa lahat ng traffic. Etong 15.5kpl ko work to office lang str8 daang hari lang to northgate from molino.
By the way, tingin ko mas okay kung hindi nabibilad kotse sa araw parang napapanis gas ko eh.
Sent from my GT-I9300 using Tapatalk 4
Regular (not engine-off coasting or drafting two feet behind a bus) highway driving at 80 km/h:
Vios 1.3/1.5 - 20-21 km/l
Mirage MT: 24-26 km/l
Alto 800 MT: 29+++ km/l.
Ang pagbalik ng comeback...