ito ang hinahanap ko na sagot...

kasi ibinenta ko ang Toyota Corolla ko na 1994 Model 2E. Madalas na kasi ang pagawa ko. Mas efficient po ba ang altis 1.6 G/E kesa 2E na makina ko dati? Nagdadalawang isip pa kasi ako kung Altis or Vios. Mga Altis 2007 or vios 2007 po ang balak ko. Salamat po sa sasagot...Marami po akong points na natutunan sa inyo guys.
Altis E/G 2007or2008 vs Vios E/G 2007or 2008 (Nakikita ko 2007/2008 hindi nagkakalayo ang presyo ng 2nd hand) Mileage lang ang minsan nagkatalo.)
Reason:
1. Fuel Efficient -Halos 24 Kilometers lang ang gamit ko araw- araw, hatid at sundo kasi nova to lagro lang.
2. Spacious para sa family
3. Marami ang piyesa kung may papalitan
4. Comfort
Please help me make the right decision guys. Toyota lang ang gusto ko kasi Kung sakaling gusto ko ng ibenta medyo may price rin siya. Budget ko ay 250k to 280k. Thanks po.