1997 Pajero - Mitsubishi fanatic ako and Pajero is one of my favorites sa Mitsu lineups, but come one, matanda na itong sasakyan na ito. Bukod sa maglalabas ka pa ng 60k, hindi mo alam ang sakit nito para sa future repairs. Hindi mo malalaman kung well maintained ito. Feeling ko nga dapat swap-swap lang talaga wala nang cash-out dapat sa deal niyo. I would prefer your Escape pa rin.
2006 Civic - This is really a good car. But come on, bakit parang biglaan naman yung pagbenta niya? Hindi kaya ito binaha? Kung hindi ito flooded car, hindi pa ito magbibigay ng sakit sa ulo sa iyo since 3 years old palang ito (turning 4). Well maintained or no, kahit papaano bago pa rin ito di hamak. Pero.. you should shell out 150k, masyado itong mataas bro, dapat 70-100k lang. (Ford Escape yang sasakyan mo dude). I would prefer your Escape pa rin.
Teka bro, ano ba reason bakit gustong-gusto mong i-swap yang 03 Ford Escape mo? Ako kasi kahit gusto mong makipag-swap sa 02 Adventure ko, a big NO NO pa rin. Why? Iba yung "gamay at kilala" mo ang sasakyan mo, kabisado mo eh kumbaga. Alam mo ang sakit, alam mo ang ginawa mong maintenance.
Hindi kasi namin malaman, baka may "mabigat" na sakit yang Escape mo, kasi kung may sakit na talaga, aba eh kukunin ko na yung Civic.