[SIZE=2]TS: Baka pwede mo isama sa pamimilian ang AUV like Crosswind. aside from mataas na, super tipid pa at hindi ka manghihinayang ilusong sa baha.. sayang naman po ang bagong pickup kung ilulusong lang sa baha, parehas kasi yan masisira katagalan kung babad sa tubig..Pwede mo din consider 2nd hand na pickup then i-lift mo ng todo, sure na pang baha yan.

Eto po ang komento ko dahil parehas ko ginagamit yan pickup na yan (4x2 MT Navara, GLX M/T, & GLS Sport A/T Strada).. Kung pang baha dito sa dalawa, mas ok ang Strada kasi mataas pero kung abot tuhod ay kaya din naman ng Navara. Sa road handling at long drive mas preffered ko ang Navara mas komportable i-drive. Sa dami ng problema na lumabas, mas madami ang sa Strada pero minor lang din naman like squeaking suspension, uneven height, steering problems. Sa Navara ay aircon noise, squeaking hood, smoke belching(for some because of diesel quaity). Sa bilis, Navara pero depende narin sa driver (pero malakas din yung GLS Sport kasi kapag tinapakan ang pedal bumibigay ng power pero sobra ingay ng makina..), sa high-speed at kurbada lamang ang Navara. Interior, mas malaki ang Navara lalo na sa headroom pero mas komportable ka kung pasahero sa likod ng Strada. FC-hindi nagkakalayo ang CRDI engines sa consumption, cnompare kodin sa new Fortuner parehas lang ang lamang lang ng Nvara ay 80 litres ang tangke as compared sa 75L ng iba. Sa looks, kanya-kanyang preference meron kasi taong mahilig sa smooth curves at meron din mahilig sa brusko look. Para sakin ang Strada looks like a sedan but drives like a truck, yun Navara ay kabaligtaran po..

Ang mabuti po ay i-test drive nyo parehas at kung saan ang tibok ng puso nyo ay yun ang sundin para hindi magsisi..Pero sigurado din ako na kung masawi ka man ay matututunan mo nang mahalin ang iyong sasakyan kahit ano pa man yan. Mainam din po na dinggin natin ibang komento ng may 1st-hand experience sa dalawang truck na yan.
[/SIZE]