Hey guys! Gusto ko lang humingi ng tulong nyo on what 2nd hand car ang pwede sa pamangkin ko, magbirthday kasi siya and ako ang nagpapaaral sa kanya sa college. Eh para hindi na siya mahirapan sa commute lalo na pag rush hour. Gift ko na rin sa kanya to dahil mataas grades nia.

Budget ko is 170k for the car only kasi ung ibang matitira para sa repair and pasesetupan ko ng magandang sounds. Irerate ko ng /5 ang mga category so you'll know how important it is for me.

F/C- 4(since siya ang bahala sa gas
Reliability- 5
Tuneability- 5( future engine swap siguro, mahilig kami sa pagpapamod ng kotse eh, sya kasama ko lagi pag may ipapalagay ako sa car)
easy to maintain- 4
Looks- 3
Comfort-4
Resale value- 2(ok lang kahit bagsak resale value, sure naman ako na hindi niya ibebenta to in the future.)

BTW namimili ako between lancer egg, pizza, sentra b14, b13, smallbody, bigbody, galant 7g. Suggest lang if may iaadd kayo. I'm in my early 20's palang so maliit lang gap ng age namin kaya magkasundo kami nun. Thanks.