Mga gurus ng tsikot. eto ulet ako, mangungulet at manghihingi ng advice sa inyong lahat...dati na ako nanghihingi ng tulong at eto ulet ako, dumudulog sa inyong harapan. (This might have similar thread but this might be different in such ways... and i want to get some response with the things i would like to consider. thanks po.)
Here is my story and my problem,
Dear Tsikoteers,
Im carlo, 22 years old single...Naghahanap ng magiging GF(kotse). In my entire life. never pa ako GF(kotse). first time ko palang magkakaGF if ever (magkakakotse)
Balak na nila akong sagutin (approved na ng bank) pero sino ba sa kanila ang dapat kong piliin,
Eto ang mga babae(car) na aking pinagpipilian.mga babae sa aking panaginip at maaaring makasama ng panghabang panahon.
1. Si AIDA(Honda City 1.3S M/T) - dahil matipid at di ko alintana ang bagong paparating na 2009 model
2. Si Lorna(Toyota Vios 1.3E M/T) - dahil maganda dating nya at may apelyidong TOYOTA
3. At Si Fe(Chevrolet Aveo Sedan 1.4 M/T) - dahil maganda talaga ang itsura nya at parang na - love at first sight ako sa kanya
at meron pang ibang aspiring GF na may chance din na sagutin ako, and pasok sa taste at sa budget ko
4. Si Lanie(Mitsubishi Lancer GLX 1.6 M/T) - dahil malakas daw ang hatak at maganda din ung bagong face lifted version. kaso malakas kumain.
5. Si Ysabelle(Toyota Yaris 1.5 M/T) - Dahil Cute sya at may apelyidong TOYOTA.
Kung mapapansin nyo. halos magkakapareho sila ng build ng katawan(sub-compacts/compact) at may kaunting sariling dahilan din ako kung bakit ko sila nagustuhan. pero still, gusto kong humingi ng payo sa mga taong naranasan na ang di ko pa nararanasan...
Things to consider
- Brain
(Ang pagiging mautak sa pagkonsumo ng gasolina)
- Beauty
(Ang kanyang looks at ang iba pa nyang magagandang features)
- Gastusin, yoko ng magastos na GF
(Maintainance,PMS and everything)
- Pag ng break kami.
(Resale Value) Yung Tipong marami pa ding guys ang maghahabol sa kanya kahit una syang naging akin...
Mga minamahal kong taga tsikot... sana ako'y matulungan sa aking suliranin...
Nagmamahal
CAR-LO



Reply With Quote




Anu nga kaya? give me more inputs mga sir... help me decide who's deserving to my "undying love". This will gonna be my first GF(car) but definitely not my last.hehehe...
