sa simpleng simpleng design ng engine ng charade, kaunti lang pyesa hahaha, 6 valve. 3 piston , SOHC 3 racker arms, may thermostat, engine block, oil pump, at fuel pump, distributor, Radiator, AC system walang ka arte arte haha. wala ka masyado papalitan. Bare minimun para tumakbo ang kotse, cable type ang Clutch, at May brake booster/hydrovac para sa breaks. lol Wala power steering kaya wala masisira na power steering pump at gear.
pero seryoso, if u look at sa underchassis ng charade, wala ka masyado makita, yung rear suspension nya, basically a shock, a shock mount, coil spring, spindle, at yung lateral.
Yung sa front naman, rack end, tie rod, cv, spindle, shocks, spring at shock mount. stabilizer bar.
simplistic ang design, basically simple to maintain lang, at medyo mura din ang parts in general, body parts like Door handles etc etc ay medyo mahirap.
pero yung bare essential para tumakbo ang kotse, wala ka hirap hirap hanapin.
One thing that will make the Charade standout over sa pride is your body ng charade, wala pa ako nakita na Charade na kinain ng kalawang, or yung body nya madami kalawang.
At sa fluids, parang ang tipid, 3.5 liters langis nito, may sobra pa pag bumili ka ng galon na oil, transmission fluid, hehe 2 liters lang.