Kung may budget at di masyado mahilig magkalikot, I would suggest brand new na lang kunin mo.

Kung katulad ko naman na medyo limitado ang budget pero willing magkalas/magbuo at magkagrasa ang kamay then pwede ang 2nd hand. I believe marami pa rin namang oto na kahit 2nd hand, almost brand new pa rin ang condtion at sasakyan na lang talaga. Yung una kong kotse ay Honda City 1st Gen at napaka-reliable kahit 3yrs old ko na sya nang makuha.

I recently bought a B13 ECCS sa presyong motorsiklo. May mga naayos at kasalukuyang inaayos ako sa kanya pero running condition naman. Di na ganun kaperfect mga panels given its age pero at least walang kalampag at malamig ang aircon. Kaya pa naman mag-cruise ng 100kph sa Startoll. So far, wala pa akong major na gastos pero medyo marami na din akong nauubos na oras kababasa ng mga FSM ng GA16DE.