New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 31

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #1
    Hi po! Problem ko itong nabili kong vehicle, may nakalagay na "ENCUMBERED" sa COR, year 2002 pa at nakapangalan pa rin sa original owner. Walang deed of sale mula original buyer to 2nd buyer, pero merong DOS between 2nd and 3rd pero not notarized. Now, meron kaming DOS ng 3rd owner.

    1. Ano ba dapat kong gawin para sana maipangalan ko sa akin ang vehicle? Mahihirapan na akong hanapin pa ang original owner since 7 years ago pa yung date ng COR nya.
    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?

    First time ko lang kasi bumili ng vehicle, second hand pa, di ko na-check mabuti ang COR.....haaaay, lesson learned

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    812
    #2
    Maveverify mo ba kung san naka loan yung car? Dapat di na yan encumberred pagkatapos mabayaran ng buo.

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #3
    I think so po, ni-research ko yung lending company, may address sila sa Cubao. Usually ba, okay lang magverify sa kanila ng status nung sasakyan even if 7 years ago na? What if they find out na di pa pala bayad sa kanila, ako kaya ang pagbabayarin nila?

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    812
    #4
    Quote Originally Posted by jeiramor77 View Post

    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?

  5. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #5
    Quote Originally Posted by mey0r View Post
    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?
    Yes, original po yung copy ng COR. Original din yung OR registration galing sa LTO, naiparegister naman ito ng binilhan ko.

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #6
    Quote Originally Posted by mey0r View Post
    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?
    So you mean po ba, pag nagverify ko ng status sa Lending at kung sakaling di pa fully paid ay hindi nila ako hahabulin para ituloy ang payment? Gusto ko ngang tawagan yung lending firm eh, ang kinatatakot ko lang ay baka ako ang pagtuluyin ng payment, huhuhu naman yun...

  7. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    172
    #7
    naku po! medyo madugo yan, same din tayo ng problem dati sa second car ko. hahanapan ka nila ng xerox copy ng valid IDs ng first owner at second owner ng car. Kc dun sila magbae base ng valide signatures from the D.O.S. then the rest sundin mo yung advice ni "ans_lim168"

    goodluck bro

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #8
    Quote Originally Posted by jeiramor77 View Post
    Hi po! Problem ko itong nabili kong vehicle, may nakalagay na "ENCUMBERED" sa COR, year 2002 pa at nakapangalan pa rin sa original owner. Walang deed of sale mula original buyer to 2nd buyer, pero merong DOS between 2nd and 3rd pero not notarized. Now, meron kaming DOS ng 3rd owner.

    1. Ano ba dapat kong gawin para sana maipangalan ko sa akin ang vehicle? Mahihirapan na akong hanapin pa ang original owner since 7 years ago pa yung date ng COR nya.
    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?

    First time ko lang kasi bumili ng vehicle, second hand pa, di ko na-check mabuti ang COR.....haaaay, lesson learned
    Meron kang problema.

    Kelangan mo ma verify if tapos na ang ammortization ng unit. Pag full paid na ito, kelangan mong i-cancel ang chatel mortgage nito sa registry of deeds. Kelangan mo din ng deed of sale from the 1st owner to the person who sold you the unit. Pag wala ka nito hindi ma transfer ang ownership.

    Wala naman kaso if you don't transfer the ownership, kaso lang legally sa papeles hindi sa iyo ang auto dahil naka-register pa ito sa 1st owner. Ayusin mo na lang ang papers and hopefuly you learned a lesson na i-check ang papers before buying. Good luck.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #9
    hassle yan, ang dami ng owners ah....sana before mo binili nag check ka muna,a ng daming butas simulan nunn umpisa pa lang eh...

  10. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    1
    #10
    Up ko lang po, bago lang din ako dito...

    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    kung gusto mo ganito na lang gawin mo para may peace of mind ka. verify mo kung fully paid na and verify mo din kung walang alarm na carnapped yan. Kung ok pareho, you can continue using the car and renew it as is. pwede mong gamitin kahit saan yan, walang gaanong magiging problema.
    Mga sir, any updates on this? Ganito din ako, yung hawak ko na CR ay encumbered status pa... Pero nasa akin nadin yung OR, deed of sale, resibo from seller, at release of mortgage/financing. Unfortunately hindi nilakad nung bangko at seller sa registry of deeds. Plano ko po na i-renew nalang as is, malapit narin ang renewal, at next time ko nalang i-transfer sa pangalan ko o ipatanggal yung encumbered sa CR (change to "owner's copy"), I just texted LTO at wala naman apprehension, etc. Baka may ma-advice kayo.... Salamat po.

    Pahabol: Orig OR CR lang po ba kailangan ko dalhin sa LTO? First time ko kasi magparenew na ako lang. Dati kasi sa mga dating sasakyan namin (puro segunda mano din) meron pong tumutulong sa paglakad.

  11. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #11
    Up ko lang po, bago lang din ako dito...

    Mga sir, any updates on this? Ganito din ako, yung hawak ko na CR ay encumbered status pa... Pero nasa akin nadin yung OR, deed of sale, resibo from seller, at release of mortgage/financing. Unfortunately hindi nilakad nung bangko at seller sa registry of deeds. Plano ko po na i-renew nalang as is, malapit narin ang renewal, at next time ko nalang i-transfer sa pangalan ko o ipatanggal yung encumbered sa CR (change to "owner's copy"), I just texted LTO at wala naman apprehension, etc. Baka may ma-advice kayo.... Salamat po. - - Its better na isabay mo na lang sa renewal mo ang release of mortgage, tsaka transfer sa iyo, para isang pasada lang. Costwise, it will just another P1k tops kasama na annotation sa Registry of Deeds ng Cancellation of Mortgage. I have encountered a lot of cases where di pa nalilift ang encumbrance, at di na nila makita ang cancellation of mortgage. Yung tipong wala na sa existence ang bangko (say Great Pacific Savings Bank or Philam Savings Bank at di na malocate ang records). Its a bit of a hassle but its better to be safe than practice procrastination.

    Pahabol: Orig OR CR lang po ba kailangan ko dalhin sa LTO? First time ko kasi magparenew na ako lang. Dati kasi sa mga dating sasakyan namin (puro segunda mano din) meron pong tumutulong sa paglakad. - Yup dapat original OR/CR. Ikacancel kasi nila ang luma at bibigyan ka ng LTO ng unencumbered a CR.
    Last edited by mazingerZ; July 1st, 2010 at 10:40 PM. Reason: may mali

  12. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    134
    #12
    what if hinde talaga e bigay sa lending company? kahit full paid na.
    ganito din ang problem ko ngayon. parang illegal yung lending company.
    2 owner ako.

  13. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #13
    di nila pwedeng di ibigay yun.. di lang nila ibibigay yun pag hindi pa fully paid..

  14. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    50
    #14
    Baka meron po may alam kung ano pwede ko gawin. *** nabili ko po na auto ay may mark na "encumbered china bank P1,050 then may nakapatong na 000-000-000-000". 1st owner po is ADB which is paid in full kase wala po nakalagay na "encumbered", then may 2nd owner and 3rd owner. So pang 4th owner napo ako. According to the 3rd owner, since ADB ang 1st owner, Tax free daw po and fully paid. Pero nung tinransfer napo sa 2nd owner (private), the 2nd owner needs to pay the taxes na hindi naicharge sa ADB as policy ata which had been paid by the 2nd owner to Chinabank with xerox proof of deposit slip and BIR Certificate.

    Pagdating sa 3rd owner which is under a company name, nakalagay parin po yung "encumbered chinabank P3,950 then may nakapatong na 000-000-000-000" which is mas mataas na po ang nakalagay.

    Nakapagtataka lang po kase yung amount na nasa "encumbered chinabank (amount)" is the exact amount na binayaran ng 2nd owner and yung nasa BIR Certificate which is P1,050 & P3,950

    And sabi nung 3rd owner (representative nung company) baka yung encumbered daw po yung sa TAX.

    Ang pagkakaintindi ko po kase pag sinabi na encumbered, ginawang collateral ang auto or may utang ang tao na nakalagay sa OR/CR at yung TAX na dapat bayaran ay walang connection sa encumbered. Hindi mawawala yung encumbered kahit nagbayad na ng TAX. Tama po ba?

    Nakapagtataka din po na naililipat ng mga previous owner sa kanila yung OR/CR kung kailangan pa ng "cancellation of chattel mortgage"

    Meron po ako kopya ng mga OR/CR ng lahat, pati mga Deed of sale from 2nd owner to 3rd owner then to me. Board resolution ng 3rd owner.

    Gusto ko npo mailipat na saken ang pangalan ng sasakyan without encumbered on the CR. Ang problema ko po wala po maibigay na "cancellation of chattel mortgage" and 3rd owner dahil wala din daw po naibigay sa kumpanya.

    May nakapagsabi po saakin na OK lang naman daw po yung may encumbered as long as may Deed of Sale. Pero hindi maililipat sa pangalan ko and pagnagkaproblema, malaking abala sa korte.

    Added questions:
    1. Nageenternatain po ba ng banko like chinabank na icheck yung record ng sasakyan kung ginawang collateral or may utang ang previous na may ari or kung ito ay bayad na?
    2. Kung bayad na siya sa lahat ng obligasyon, since ako napo ang current owner, pwede po kaya ako makahingi ng original na "cancellation of chattel mortgage" sa banko?

    Sana po ay matulungan ninyo ako.

    Salamat po

encumbered