
Originally Posted by
17Sphynx17
I would say anu ba kasya sa parking sa "titirahan" mo while studying?
Personally, given na UST, iwas na lang sedan kasi nga mababa siya. Limited time lang mabibigay sa iyo to run it up UST Parking Building sa ilalim ng Accountacy kung biglang tumaas tubig. Yun ay kung may available slots pa.
So may konting "allowance" ka sa Compact Crossover. Baka Subcompact Crossover kung limited depth yung parking slot ng bahay ng tirahan (less than 5m clear). Oo, may mga compact crossovers na hindi naman abot ng 5m. Ang kaso, kung 30cm na lang to 45cm gap mo sa pader at gate, hindi ka din makaikot kung kelangan mo. So mahihirapan ka din. Paminsan, mas maganda na lang wag mo isagad yung haba. just my two cents. Mas mabilis din singit singit sa UST yung maikli. haha!
Ito naman din rule ko nung nagaral ako sa UST, kung hanggang sidewalk/curb lang, pwede ko sugud ang dala ko (Revo MT or Innova MT). Pero kung malakas pa ulan at hindi pa ako nakaalis, ganun na kataas tubig, iakyat ko na lang kotse at di na ako susugud kasi mahirap na mastranded sa gitna ng baha. Sayang na sa gasolina/diesel, may risk na masira kotse, pagod pa katawan mo sa daan kakaikot maghanap ng madadaanan.
Bakit "sidewalk rule" ginagawa ko, roughly, range ng height ng sidewalk is usually 150mm to 200mm so may idea ako sa height ng tubig sa may gilid ng kalsada. Since may slope, gitna ng kalsada mas mataas. =)