vineview ko kasing utility ang sasakyan lalo na ngayon na may pamilya na ako. wala sa akin kung Toyota or Hyundai. Actually sa past thread nag reply ako kung paano hindi ko nagustuhan ang Mazda 6 over a Hyundai Sonata. At sinabi ko pa nga dun na halos walang pagkakaiba ang Sonata sa Camry when it comes to the comfortable feeling that I experienced.

Ang pinakamahalaga sa akin when it comes to owning a car ay iyong pakiramdam na mayron pa akong maitatabing pera (and of course iyong safety). Para sa akin peeps ah, ang kotse pag meron ka na, hindi naman ito nagiging ginto (unless gawin mong pangnegosyo). Kaya since hindi ito nag gegenerate ng ginto bumili kami ng kung ano iyong pinaka swak sa budget at sa pangangailangan ng pamilya ko at hindi dahil sa resalve value nito dahil para sa akin maski Honda pa yang binili mo eh pag binenta mo yan talo ka pa rin. Unless mabenta mo yan sa isang tao na wala talagang alam sa sasakyan or magawan mo ng paraan na panalong panalo ka at iyong nailabas mong pera sa pag memaintain at pag papaganda ng auto mo ay kahit papaano bawi mo which is hmm.. I doubt kung mangyayari iyon dahil iyon nga hindi naman nag gegenerate ng pera ang auto eh.

Anyway, ngayon I own a Toyota Vios. Baket kasi eto ang pinakaswak sa budget ko. Budget sa pagbayad ng sasakyan, pag maintain, pang gasolina at pang rehistro. May saswak pa sana kaya lang di ko naman gusto ang Picanto at Getz kasi ang liit nila hindi bagay sa pangangailangan ng pamilya ko. Oks din iyong mga Altis/Civic na sasakyan kaya kung sa kaya kaya lang mas gusto ko pang iinvest ang perang idadagdag namin kaysa sa ipandagdag sa Altis.

Ang resale value para sa akin talo ka pa rin dun kahit saang anggulo mo tignan unless (naggegenerate ng income ang vehicle mo) or iyon nga magawan mo ng paraan na iyong pinagmaintain mo ng sasakyan, pinagpaganda mo eh mabawi mo.