New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 56
  1. Join Date
    Sep 2017
    Posts
    25
    #1
    Hi Tsikot members, hihingi lang po sana ako ng tulong para sa mga experienced na sa pagbili / pagbenta ng kotse. Heto po ang nangyari:

    Bumili po kami ng 2nd hand na kotse, father ko po ang pumirma sa deed of sale at nagpa notaryo din po. nagbayad at nakuha na po namin ang kotse. kinabukasan po, ng nacheck ng tito ko yung mga dokumento, may kulang daw po. 3rd owner na po kami ng kotse, heto po ang mga naibigay sa amin.

    - OR / CR (nakapangalan sa 1st owner)
    - notarized deed of sale (between 2nd owner at sa amin na 3rd owner)
    - xerox ng 2 ID at 3 signature ng 2nd owner
    - TPL / insurance (nakapangalan sa 1st owner)

    hinahanap po ng tito ko yung:

    - deed of sale (between 1st owner at 2nd owner)
    - 2 ID at 3 signature ng 1st owner

    kinausap po namin yung 2nd owner na nagbenta sa amin, hindi nya maibigay sa amin yung DOS at ID ni 1st owner dahil hindi daw si 1st owner ang nagbenta sa kanila kung hindi yung kaibigan daw ni 1st owner, kumbaga pinabenta lang. ang sabi daw sa kanila eh "to follow" na lang daw yung ID ng 1st owner after nila magka bentahan, hanggang ngayon wala pa din daw binigay sa kanila. 3 months na nila ginamit yung kotse and nabenta na nga sa amin. Ang huling sinabi ng 2nd owner sa amin ay ipapadala na lang daw nila yung ID at DOS nila nung nagbenta sa kanila. Meaning, parang wala pala talaga si 1st owner. ayaw nila magbigay ng kahit ano na makokontak namin yung nagbenta sa kanila. Sila na daw mag aasikaso.

    Ang tanong ko po:
    1. pwede ba namin isoli yung kotse at bawiin ang pera, sa legal na paraan, kung wala sila maibigay na totoong DOS at ID at pirma ng 1st owner o yung nagbenta sa kanila?
    2. kung wala sila maibigay at wala naman kami balak ipatransfer ang ownership sa amin, ok lang ba na maibenta din namin ito?
    3. kung wala namang alarma sa LTO at narerehistro naman ang kotse, ok lang ba na hindi na namin kunin yung DOS, ID at pirma ng 1st owner?

    Maraming salamat po sa inyong lahat!

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,756
    #2
    1. puede kayong mag-soli-an ng nagbenta sa inyo, kung papayag si siya. kung hindi pumayag, ay malamang sa korte ang bagsak ninyong dalawa, kung mag-pipilitan..
    2. ok ibenta, kung may bibili ng sasakyan na yang may patid sa chain of ownership. someone like... you! (my apologies, but the plain fact is, you made a mistake in buying that car.)
    3. do you feel ok, driving and maintaining a car that you know, will never be legally yours? if yes, fine!

    might i point out another course of action.
    find the original owner and ask him if he has an original deed of sale to the 2nd owner.
    but my guess is, the guy who sold you that car knew exactly what he was doing.

    good luck.

  3. Join Date
    Sep 2017
    Posts
    25
    #3
    Quote Originally Posted by dr. d View Post

    thank you po sa pagsagot sir, yes po mali po namin dahil hindi po namin nacheck lahat, dahil father ko lang ang pumirma at di ko rin alam kung bakit hindi nya napansin yung mga pinipirmahan nya. and yes, hinanap po namin yung 1st owner pero d namin makita, and ang sabi nung seller sa amin is, pinabenta lang daw ng 1st owner sa kaibigan nya (yung nakipag meet kay 2nd owner) kaya hindi daw nila nameet si 1st owner personally. ang nakakapagtaka ay hindi nya maibigay agad yung DOS nila ng nagbenta sa kanya. iniisip ko tuloy baka may gawing "magic" lang ang ibibigay na hinihingi sa amin. inaantay pa po namin yung sinasabi nya na IDs, pirma at DOS daw. pero if sakali na fake pala ang ibigay nila, dagdag ba lalo ito sa pwde reklamo laban sa kanya?

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    423
    #4
    pede ring makita as nakaw yan bro since walang tulay between the 1st owner and anyone of you.

  5. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,756
    #5
    syangapala... the original owner's address is on the CR. go hunting, sir.

  6. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    686
    #6
    Quote Originally Posted by echikuo07 View Post
    Hi Tsikot members, hihingi lang po sana ako ng tulong para sa mga experienced na sa pagbili / pagbenta ng kotse. Heto po ang nangyari:

    Bumili po kami ng 2nd hand na kotse, father ko po ang pumirma sa deed of sale at nagpa notaryo din po. nagbayad at nakuha na po namin ang kotse. kinabukasan po, ng nacheck ng tito ko yung mga dokumento, may kulang daw po. 3rd owner na po kami ng kotse, heto po ang mga naibigay sa amin.

    - OR / CR (nakapangalan sa 1st owner)
    - notarized deed of sale (between 2nd owner at sa amin na 3rd owner)
    - xerox ng 2 ID at 3 signature ng 2nd owner
    - TPL / insurance (nakapangalan sa 1st owner)

    hinahanap po ng tito ko yung:

    - deed of sale (between 1st owner at 2nd owner)
    - 2 ID at 3 signature ng 1st owner

    kinausap po namin yung 2nd owner na nagbenta sa amin, hindi nya maibigay sa amin yung DOS at ID ni 1st owner dahil hindi daw si 1st owner ang nagbenta sa kanila kung hindi yung kaibigan daw ni 1st owner, kumbaga pinabenta lang. ang sabi daw sa kanila eh "to follow" na lang daw yung ID ng 1st owner after nila magka bentahan, hanggang ngayon wala pa din daw binigay sa kanila. 3 months na nila ginamit yung kotse and nabenta na nga sa amin. Ang huling sinabi ng 2nd owner sa amin ay ipapadala na lang daw nila yung ID at DOS nila nung nagbenta sa kanila. Meaning, parang wala pala talaga si 1st owner. ayaw nila magbigay ng kahit ano na makokontak namin yung nagbenta sa kanila. Sila na daw mag aasikaso.

    Ang tanong ko po:
    1. pwede ba namin isoli yung kotse at bawiin ang pera, sa legal na paraan, kung wala sila maibigay na totoong DOS at ID at pirma ng 1st owner o yung nagbenta sa kanila?
    2. kung wala sila maibigay at wala naman kami balak ipatransfer ang ownership sa amin, ok lang ba na maibenta din namin ito?
    3. kung wala namang alarma sa LTO at narerehistro naman ang kotse, ok lang ba na hindi na namin kunin yung DOS, ID at pirma ng 1st owner?

    Maraming salamat po sa inyong lahat!
    Red flag yung walang deed of sale at id si 1st owner. Baka isa yang kotse na yan dun sa mga rentagay scam. Most likely wala na yung perang pinambayad mo.

    Maganda mo gawin sir as a first step, i check mo na agad sa TMG/HPG kung naka alarm as hot car yung kotseng nabili mo bago pa mahuli ang lahat. Sakit sa ulo yan sir pag balasubas yung nagbenta sa inyo.

  7. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    2,616
    #7
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    syangapala... the original owner's address is on the CR. go hunting, sir.
    Agree. Puntahan nyo na lang.

  8. Join Date
    Sep 2017
    Posts
    25
    #8
    thank you po sa lahat ng nagrereply. as of now sinusubukan po namin hanapin yung first owner. ask ko lang po, kung sakali na mapa check namin na hindi hot car ang nakuha namin, at wala din naman po alarm sa lto ng chineck namin, ano po mabuti namin gawin? ibalik pa din ang kotse sa seller at bawiin yung pera? may pananagutan na po ba agad siya sa simula pa lang na alam nyang kulang ang dokumento ng binebenta nya? maraming salamat po.

  9. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    2,616
    #9
    - deed of sale (between 1st owner at 2nd owner)
    - 2 ID at 3 signature ng 1st owner

    just try to get it from the first owner. learn from experience na lang.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #10
    if you can locate and talk to the 1st owner, maybe he can agree to sign a Deed Of Sale between you and him.. so lalabas 2nd owner ka..

    Quote Originally Posted by echikuo07 View Post
    thank you po sa lahat ng nagrereply. as of now sinusubukan po namin hanapin yung first owner. ask ko lang po, kung sakali na mapa check namin na hindi hot car ang nakuha namin, at wala din naman po alarm sa lto ng chineck namin, ano po mabuti namin gawin? ibalik pa din ang kotse sa seller at bawiin yung pera? may pananagutan na po ba agad siya sa simula pa lang na alam nyang kulang ang dokumento ng binebenta nya? maraming salamat po.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

May kulang na dokumento sa nabiling 2nd hand na kotse