Hi guys. Kasi namatay father ko nung December 2015 habang naka loan pa sa bangko yung kotse. Fully paid na last April 2017. Ngayon, kailangan namin ng extra judicial settlement para makuha ang collateral documents kasi nga namatay ang father ko, sa kanya nakapangalan lahat. Inaayos na namin ngayon. Kaso hindi kami binigyan ng kopya ng CR/OR. Nagulat nalang ako. For 3 years wala kaming kopya. Eh hinahanap yun para sa pag process ng extra judicial settlement. Hindi naman kasi ako nag ddrive at wala naman akong alam.

Tanong ko lang, pwede ba kami magrequest sa bangko ng kopya nun? Para maayos na yung extra judicial settlement at maipangalan na sa mom ko yung sasakyan.

Salamat.